Pariralang Pang-Abay – Kahulugan Nito At Mga Halimbawa

Ano ang pariralang pang-abay? Alamin ang kahulugan dito?

PARIRALANG PANG-ABAY – Pag-aralan dito kung ano ang ibig sabihin ng pariralang pang-abay at mga halimbawa nito.

Ang pariralang pang-abay o tinatawag din na pang-abay na parirala ay “isang hanay ng dalawa o higit pang mga salita na may isang partikular na kahulugan at natutupad ang pagpapaandar ng isang pang-abay”.

Pariralang Pang-Abay

Ang mga salita na tumutukoy sa kung paano ikinilos ang isang bagay ay ang mga pariralang pang-abay. Ito ang deskripsyon ng isang kilos o galaw. Ito ay malaking tulong sa paglalarawan ng gawa at dagdag impormasyon sa paksa.

Mga halimbawa:

  1. mahusay kumanta
    Ang bata ay mahusay kumanta.
  2. malakas humalakhak
    Naririndi ako sa kanya dahil siya ay malakas humalakhak.
  3. mabilis kumilos
    Mabilis kumilos ang mga kamay niya.
  4. mahinang tinulak
    Mahinang tulak na lang ang nagawa ko sa kanya matapos kong marinig ang katotohanan.
  5. maliit humakbang
    Dahil sa isang meeting, maliit humakbang ang mga bata upang hindi makagawa ng ingay.
  6. konti kumain
    Tumaba na siya noon kaya konti kumain ngayon.
  7. malinis na sinulat
    Malinis na sinulat ko ang aking pangalan sa kasunduan.
  8. noong nakaraang Sabado
    Naglaro kami ng bowling noong nakaraan Sabado.
  9. sa loob ng isang oras
    Kailangan kong matapos ang pagsusulit sa loob ng isang oras.
  10. bago maghating-gabi
    Matutulog na ako bago maghating-gabi.
  11. sa isang linggo
    Aalis kami papuntang Baguio sa isang linggo.
  12. tuwing umaga
    Nagja-jogging na ako tuwing umaga.

Ito ay ginagamit at isinasalita sa pang-araw-araw.

Ang pang-abay ay “naglalarawan ng pangngalan” bilang isang bahagi ng pananalita na naglalarawan din ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Ang mga iba’t ibang uri nito ay

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment