Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Pang Abay Na Pamanahon? (Sagot)

PANG ABAY PAMANAHON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng pang abay na pamanahon at ang mga halimbawa nito.

Ang isang pang-abay o “Adverb” sa Ingles ay bahagi ng ating pananalita na palagi nating ginagamit. Pero, kadalasan, hindi natin nalalaman na ginagamit na pala natin ang mga ito.

Pang Abay Na Pamanahon – Kahulugan At Halimbawa Nito

Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pang-uri, pandiwa, o maging sa kapwa nitong mga pang-abay. Maraming klase ng pang-abay, pero sa pasksang ito, ating tatalakayin ang pang-abay na pamanahon.

Heto ang mga halimbawa:

  • kahapon
  • kanina
  • araw-araw
  • kagabi
  • bukas
  • ngayon
  • mamaya
  • noon
  • tuwing umaga, tanghali, hapon o gabi
  • taun-taon

Gamit nito sa pangungusap:

  • Pumunta kahapon sina mama at papa galing Cavite.
  • Si tatay ay pumunta kanina sa lungsod para mamalengke.
  • Araw-araw akong nagbabasa ng aking mga module.
  • Nanood ako kagabi ng paborito kong Korean Drama.
  • Aalis na bukas si Peter patungong Bacolod.
  • Pupunta kami ngayon sa parke.
  • Si Eva ay mamamasyal mamaya sa MOA.
  • Uso na noon ang paggamit ng ballpen.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Ano Ang Banghay Halimbawa At Ang Kahulugan Nito

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Pang Abay Na Pamanahon – Kahulugan At Halimbawa Nito". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.