Pang-abay Na Pamaraan At Iba Pang Uri Ng Pang-abay

Ano ang pang-abay na pamaraan at mga uri ng pang-abay. Alamin.

PANG-ABAY NA PAMARAAN – Ito ang ibig-sabihin ng pang-abay at pag-intindi sa isang uri nito, ang pang-abay na pamaraan.

Ang pang-abay ay “naglalarawan ng pangngalan”. Ito ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan din ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Pang-abay Na Pamaraan

Ito ay maraming uri:

pamanahon
panlunan
pamaraan
pang-agam
ingklitik
benepaktibo
kusatibo
kondisyonal
pamitagan
panulad
pananggi
panggaano
panang-ayon
panturing
pananong
panunuran
pangkaukulan

At sa araling ito, pag-aaralan natin kung ano ang pang-abay na pamaraan. Ang uring ito ang naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.

Ang mga salitang palatandaan o ginagamit ay nang, na, o -ng.

Ito ang mga halimbawa ng pamaraan sa pangungusap:

  1. Sumigaw ako nang malakas.
  2. Umalis ako sa party ng masaya at lasing.
  3. Kumain ako ng may kabilisan dahil dadating na ang mga customers.
  4. Dahan-dahang binuksan ng bida ang pinto at nagulat kami sa sumunod na eksena.
  5. Ako ay niyakap niya ng mahigpit bago siya umalis.
  6. Ang bata sa kwarto ay natutulog ng mahimbing.
  7. Ayoko nang umalis sa islang ito.
  8. Pabulong niyang sinabi sa akin ang kanyang sekreto.
  9. Naglakad ako ng matulin sa madilim na eskinita.
  10. Maingat na nagmaneho ang drayber papunta sa aming pagbabakasyunan.

Samantala, ang bahagi ng pananalita ay may walong bahagi.

  • pangngalan (tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya)
  • panghalip (panghalili sa pangngalan)
  • pandiwa (salitang-kilos)
  • pangatnig (pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita)
  • pang-ukol (mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay)
  • pang-angkop (nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita)
  • pang-uri (naglalarawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya)
  • pang-abay (nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay)

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment