Ano Ang Implasyon? Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Kahulugan Ng Implasyon? (Sagot)

IMPLASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang implasyon at ang mga halimbawa nito.

Pagdating sa pag-aaral ng ekonomiya, isa sa pinaka-mahalagang paksa na dapat bigyang pansin ay ang implasyon. Ito ay ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin, produkto, o serbisyo sa isang ekonomiya.

Ano Ang Implasyon? Kahulugan At Halimbawa Nito

Sa kagustuhan man natin o hindi, ang implasyon ay isa sa mga bagay na hindi nawawala. Kada taon, nagkakaroon ng implasyon at lumalala ito ng lumalala.

Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pera natin dati na sapat para sa isang puno na grocery kart ay kulang na ngayon para sa mga pangunahing pangangailangan natin.

Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng presiyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo.

Isa sa pinakamalaking dahilan ng implasyon ay ang patuloy na paggawa ng bagong pera. Halimbawa, dahil sa pandemyang ito, kinailangang magpalabas ng pera ang gobyerno para maipamigay sa mga nangangailangan.

Pero, dahil sa pagdami ng pera sa isang ekonomiya, mas kakaunti na lamang ang mabibili nito. Ito rin ay hango sa law of supply and demand. Nagkaroon ng malaking suplay ng pera kaya lumiit ang halaga nito.

Dati, makakabili ka ng isang kilo ng karne sa halagang P100. Dahil sa Implasyon, ang P100 mo ay makakabili na lamang ng 900 na gramo ng karne.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Prinsipyo Ng Pakikipag Kapwa Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment