in:
Share to Facebook Share to Twitter More...

Film director slammed Tawag ng Tanghalan judges Rey Valera and Dulce.

TAWAG NG TANGHALAN – The film director Ronaldo Carballo slammed the way of judging of the TNT judges Rey Valera and Dulce.

The “Tawag ng Tanghalan” is one of the most-awaited segments in the Kapamilya noontime show It’s ShowtimeThis is where the amateur singers get to have their chance to showcase their talent.

Kapamilya artists such as Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Mariel Padilla, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, and Ryan Bang are among the mainstay hosts of the show.

However, the film director Ronaldo Carballo has recently slammed TNT judges Rey Valera and Dulce for their way of judging in a Facebook post.

#DuRey is ?

A post shared by Kapamilya Online World (@kowalerts) on

Read the full post below:

SA DALAWANG ITO NA MAY DIPRENSYA ANG PAGKATAO, MAY PIPILIIN BA KAYO SA KANILA?
Nawala si REY VALERA bilang head judge ng Tawag ng Tanghalan dahil sa kabobohang mag-judge na ginu-gong ang contestant na di dapat i-gong. Na kinontra mismo ang partikular na desisyong yan nang harap-harapan nina Hurado Jaya at Nyoy Volante. Naging dahilan nga para mahiya na si Rey Valera na maghurado pa–sa dami na nang kapalpakan nya bilang Punong Hurado sa loob ng dalawang taon–kaya di na sya nagbalik pa sa TNT. 

Mabuti nga, finally, nagsalita na ng diretsuhan sina Jaya at Nyoy. Natigil na ang mga lantarang kamaliang paghuhurado ni Valera.
Si DULCE, technically, ang pumalit sa kanya.

Pero ngayon naman, just on today’s TNT episode, yung third contestant na young farmer na nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte, mega-glaring (sobrang halatang-halata) ang mali ng pagkanta at super-sintunado sa rendition nya ng sikat na kanta at teleserye na “Mula sa Puso”, HINDI GINONG ng bagong Punong Huradong si Dulce. 

Sinabayan na nga lang syang kumanta ng madlang pipol sa studio to save him. Pero yun nga, HINDI NAMAN SYA GINONG ng kasalukuyang Punong Hurado na si DULCE. 

Ibinuko rin sya ngayon ng harap-harapan nina Hurado Yeng Constantino at Mitoy Yunting. Parehong sabi ng dalawang hurado: Nauunawaan nila si Dulce na sobrang bait lang at naawa sa contestant, pero dapat na-gong talaga. Habang sinasabi nina Yeng at Mitoy yun, tinatakpan ni Punong Hurado Dulce ang pagmumukha nya. Kase dapat lang sya talagang mahiya sa maling desisyon nyang yun.
Kilala si Dulce na high profile OA Born Again Christian, pero dapat labas yun sa paghuhurado nya. Bakit naman si Gary Valenciano, born again din, pero pag dapat i-gong, ginu-gong naman nya at may napakagandang paliwanag lang?!

Pag hurado ka, dapat nakahiwalay talaga ang emosyon mo. Dapat fair sa lahat ang desisyon. Ipanalo kung sino talaga ang mahusay at walang puwang ang awa-awa. Hindi charity ang stage ng Tawag ng Tanghalan. Competition arena ito.
Tigilan yang mga paawa-awa at paiyak-iyak habang naghuhurado. 

Dulce, kung di mo kayang gawin ang maghurado ng tama dahil feeling mo against on your being a born again ang mawalan ng “compassion” na “masaktan” ang loob ng sintunado at dapat i-gong na contestant, tulad ni Rey Valera, aba’y lumayas ka na rin dyan sa kinauupuan mo. 

Pareho lang kayong dalawa na may diprensya ang mga pagkatao.
Binabalahura nyo kaming mga manonood sa klase ng paghuhurado nyo…

What can you say about this?

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph and Facebook: @PhilNews

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Tawag Ng Tanghalan: Director Ronaldo Carballo Slams Rey Valera, Dulce’s Way Of Judging". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.