Kabanata 3 Noli Me Tangere – “Ang Hapunan” (BUOD)

Kabanata 3 Noli Me Tangere – “Ang Hapunan” (BUOD)

KABANATA 3 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 3 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 3 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlong kabanata.

Ang Kabanata 3 ay may titulo na “Ang Hapunan” na sa bersyong Ingles ay “The Dinner”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Sa pagsasalo na ito ay nakita ni Ibarra si Padre Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita na nasiyahan si Padre Sybyla sa pagdalo habang si Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas.

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Ang mga masasarap na inihandang pagkain ay pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiago. Dumalo rin ang Tenyente na nainis kay Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.

Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ay may pagtatalo ang dalawang pari kung sino ang tatabi sa kanya. Nang inihanda na ang pagkain, nasimula nang magsalo ang mga panauhin. Nakipagusap si Ibarra sa kanila at kinuwnto sa kanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.

Nalaman ng mga kausap niya ang mga napuntahan niya sa nakaraang taon ng kanyang pakikipag sapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang mga natutuhan niya gaya ng wika, at ang iba’t ibang kasaysayan ng bansang kanyang pinuntahan.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 2 – Si Crisostomo Ibarra
Kabanata 4 – Erehe at Pilibustero

Leave a Comment