NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal

NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Jose Rizal

NOLI ME TANGERE – Sa paksang ito, alamin nating ang buod ng isa sa mg nobelang isinulat ni Jose Rizal: ang Noli Me Tangere.

NOLI ME TANGERE
Photo uplifted from: PhilStar

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ito ang buod ng nobelang kwento:

Buod

Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral niya sa Europa. Naghandog ng piging si Kapitan Tiyago sa dahilang ito na kung saan inanyayahan niya ang ilang sikat na tao sa kanilang lugar.

Nahamak si Ibarra ni Padre Damaso sa piging ngunit nagpaalam ng magalang niya ang pari dahil may mahalaga siyang lakarin.

May magandang kasintahan si Ibarra na si Maria Clara na anak-anakan ni Kapitan Tiyago at ang dahilan kung bakit dalawin niya pagkatapos ng piging.

Muling binasa ni Maria ang mga lumang liham ni Ibarra bago siya mag-aral sa Europa habang inalala nila ang kanilang pagmamahalan.

Bago umuwi si Ibarra ay nakita niya si Tinyente Guevarra na nagpahayag na namatay na noong isang taon ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra.

Sabi ng Tinyente na inakusahan ang don ni Padre Damaso na erehe (taong hindi sumunod sa utos ng Simbahan) at pilibustero (taong sumasalungat sa utos ng pamahalaan) dahil hindi umano nagsisimba at nangunumpisal. Ngunit ayon sa Tinyente, nagsimula ito nang ipagtangoll ng don ang isang bata sa kamay ng isang maniningil na hindi sinadyang nabagok ang ulo kaya namatay.

Nakakulong umanoy si Don Rafael habang may imbestigasyon ukol sa insidente ngunit ang mga kaaway niya ay gumawa nga mga kung anuano para ipahiya ang Don.

Nagkasakit ang Don at namatay dahil sa naapektuhan siya sa mga pangyayari.

Ang padre ay hindi nakuntento at ipinahukay ang labi ng don upang ipalipat sa libingan ng mga Intsik ngutin nang dahil sa ulan ay itinapon ang kanyang labi sa lawa.

Imbes na nagtangkang ipaghiganti ang yumaong ama, ipagpatuloy ni Ibarra ang nasimulan ng Don kaya nagpatayo siya ng paaralan sa tulong ni Nol Juan.

Muntik nang mapatay si Ibarra kung hindi iniligtas ni Elias noong babasbasam na ang itinayong paaralan. Namatay ang taong binayaran ng lihim na kaaway

Si Padre Damaso ay muling nag-aasar kay Ibarra. Nang saglit nang inihamak ng padra ang ama niya ay nagalit at nagtangkang isaksak ang pari pero pinigilan siya ni Maria.

Dahill doon ay natiwalag si Ibarra ng Arsobispo sa simbahan. Nasamantala ni Padre Damaso nito upang iutos sa Kapitan na hindi na ipagpatuloy ang kasal kay Maria Clara at ipakasal sa binatang Kastila na si Linares.

Pero dahil sa tulong ng Kapitan Heneral ay nabalik si Ibarra sa simbangan. Pero hindi inasaang hinuli si Ibarra nang dahil umonay nanguna siya sa pagsalakay sa kuwartel.

Tumakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Pumunta si Ibarra sa kay Maria bago siya tumakas. Itinanggi ng dalaga ang liham na ginamit laban sa kanya nang dahil sa inagaw ang liham kapalit sa liham ng ina niya na nagsasabi na si Damaso ang tunay niyang ama.

Pagkatapos nito ay tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila sa bangka patungo Ilog Pasig hanggang sa Lawa ng Bay at tinabunan si Ibarra ng mga damo.

Naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Para makaligtas si Ibarra, naging pampalito si Elias at tumalon sa tubig. Akala ng mga tumutugis na ang tumalon ay si Ibarra kaya nila binaril si Elias hanggang nagkulay ng dugo. Naabutan ang balita kay Maria na namatay si Ibarra.

Natunton ni Elias ang gubat ng mga Ibarra at doon niya natuklasan si Basillo at ang namatay niyang inang si Sisa.

Bago namatay si Elias ay sinugo niya ang bata na kung hindi man daw niya makita ang bukang-liwayway sa sariling bayan, sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi.

1 thought on “NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal”

  1. Thank You Po ♥♥ Malaking tulong po to samin kasi ito ang ginawang proyekto sa aming Filipino 4th Quarte thanks po tlga ♥♥

    Reply

Leave a Comment