Kabanata 4 Noli Me Tangere – “Erehe At Pilibustero” (BUOD)
KABANATA 4 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 4 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ika-apat na kabanata.
Ang Kabanata 4 ay may titulo na “Erehe At Pilibustero” na sa bersyong Ingles ay “Heretic and Filibuster”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di siya sigurado kung saang destinasyong siya napadpad hanggang sa nakaabot siya sa may Liwasan ng Binundok.
Nakita niyang walang nagbago ng masyado: ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa dati. Inilaan ni Ibarra ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran samantalang iniisip niya ang mga alaala niya sa lugar na iyon.
Naisalaysay ni Tenyente ang ukol sa mapait na sinapit ng ama. Isang taon bago bumalik si Crisostomo sa Pilipinas, nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niyang si Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala.
Kinuwento ng Tenyente kay Ibarra ang lahat ng nangyari sa kanyang ama: kung bakit nakakulong siya at maraming galit sa kanya; ang dahilan ng kanyang pagkabilanggo; ang mga pinaratang ng kanyang ama habang nasa kulungan hanggang sa pagkalaya sa kanyang mga kaso. Ngunit nung siya ay dapat makalabas, namatay ang ama sa loob ng kulungan.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 3 – Ang Hapunan
Kabanata 5 – Pangarap Sa Gabing Madilim