Ano ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan? Alamin!
KONTRIBUSYON NG SINAUNANG KABIHASNAN – Ito ang mga naging kontribusyon ng Mesopotamia, Indus, Tsino, at Egypt.
Ang mga sinaunang kabihasnan ay nagbigay ng mga mahahalagang ambag sa maraming larangan. Marami ang mga tumatak sa buhay ng mga tao at marami rin ang humubog sa pamumuhay at paniniwala ng mga tao.
Ang ilan sa mga pamana sa sangkatauhan ay ang mga sumusunod:
- Ziggurat – isang istruktura na sentro ng pamayanan sa Mesopotamia at dito ginaganap ang mga pagpaparangal at pagsamba sa diyos.
- Code of Hammurabi – Ito ay may 282 na mga batas na naging batayan ng mga sinaunang tao o sinaunang Babylonia.
- Cuneiform – isang sistema ng pagsulat ng mga Sumerians.
- Epic of Gilgamesh – ang kaunaunahang akdang pampanitikan sa larangang ng literatura sa buong daigdig
Ito ang iba pang mga mahahalagang kontribusyon:
- Potter’s Wheel na ginagamit sa paggawa ng tapayan.
- Paggamit ng gulong.
- Code of Ur-Nammu o ang unang saligang batas.
- Lunar Calendar
- Hanging Gardens Of Babylon
- Phonetic
- Sewerage System na naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa Mohenjo-Daro na nagtaguyod ng Kabihasnang Indus.
- Arthasastra ang pinakunang akda tungkol sa pamahalaan at ekonomiya.
- Ayurveda o ang agham na binibigyang halaga ang kaisipang pang medisina.
- Ramayana at Mahabharata ay isang epiko
- Decimal System
- Halaga ng pi (3.1416)
- Pamantayan ng bigat at sukat
- Paggamot at pagbubunot ng ngipin
- Pinagmulan ng mga relihiyon (Buddhism, Jainism, Hinduism at Sikhism)
- Taj Mahal
- Great Wall of China na ipinatayo ni Shih Huang Ti ng dinastiyang Qin o Ch’in na nagsilbing proteksyon nila sa mga pag-atake ng mga kalaban.
- I Ching at Bing Fa kung saan ang I Ching ay tumatalakay sa perspektiba at pamamaraan ng prediksyon sa buhay ng tao ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon at ang Bing Fa ay ang una at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar.
- Feng Shui
- Abacus
- Chopsticks
- Magnetic compass
- Seismograph
- Star map
- Sundial
- Water clock
- Wheelbarrow
- Kalendaryo
- Paggamit ng silk o seda
- Pamaypay at Payong
- Piramide na libingan ng mga Pharaoh.
- Mummification o ang proseso ng pagreserba sa katawan ng isang yumao
- Hieroglyphics ang sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian
- Geometry
- Kalendaryo na may 365 na araw
- Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
- Pagdiriwang na sagrado
READ ALSO:
- Karapatan Ng Pamilya Na Dapat Isagawa at Isaalang-Alang
- Context Clues – Definition and Examples Of Context Clues
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.