Karapatan Ng Pamilya Na Dapat Isagawa at Isaalang-Alang

Ito ang iba’t ibang karapatan ng pamilya sa lipunan.

KARAPATAN NG PAMILYA – Lahat tayo ay may pamilya na nag-aaruga sa atin at ito ang ating mga karapatan bilang isang pamilya.

Wika ni John Donne, “No man is island”. Ibig sabihin, walang sinuman ang nabubuhay sa atin ng mag-isa. Lahat tayo ay may kasama at lahat tayo ay kailangan ng kasama para mamuhay ng tahimik, payapa, at masaya.

Ang pamilya ang nag-aaruga, nagmamahal, nagtuturo ng tamang gawi at asal, at naggagabay sa pagkatuto na makisalamuha sa iba.

At bilang isang pamilya sa lipunan na ating ginagalawan, ano ang ating mga karapatan na dapat isaalang-alang, pangalagaan, at isagawa? Alamin.

Karapatan Ng Pamilya

Ang sumusunod ay ang ating mga karapatan:

  1. Ang karapatang umiiral at magpatuloy bilang pamilya
  2. Ang karapatang isakatuparan ang kanyang pananagutan
  3. Ang karapatang maging pribado ang buhay
  4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng bigkis at institusyon ng kasal
  5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito
  6. Ang karapatang palakihin ang mga anak
  7. Pananampalataya
  8. Pagpapahalaga sa kultura at tradisyon
  9. Karapatang magtamo ng pisikal
  10. Panlipunan
  11. Pampolitikal at pang-ekonomiyang seguridad
  12. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.

Ang pamilya ay isang yunit ng lipunan kung saan nag-uumpisa ang paghubog ng pagkatao ng isang tao. Dahil sa isang pamilya, natutu tayo na  magtulungan, mag respeto, at magkaisa. 

Mayroon ding kaligtasan na dulot kapag kasama ang pamilya.

Mahalaga ang isang pamilya dahil kung wala sila, hindi mo mararating anuman ang mga narating mo ngayon. Sa kanila natin natutunan lahat ng bagay at ugali na ating isinasagawa ngayon.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment