NASYONALISMO – Kahulugan At Ang Mga Kilalang Nasyonalista

NASYONALISMO – Kahulugan At Ang Mga Kilalang Nasyonalista

NASYONALISMO – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin ang kahulugan ng nasyonalismo at ang mga kilalang mga nasyonalista sa Pilipinas.

NASYONALISMO

Kahulugan

Ang nasyonalismo ay ang pagmamahal sa nasyon o bansa. Ito ay isang kamalayan sa kanyang laki na nanggaling sa pagkakaroon ng isang wika, kultura, ralihiyon, kasaysayan at pagpapahalaga.

Ang ideyang ito ay nanggaling sa kaisipang liberal ng Europa na nagmula ng ibang mga sumusunod na mga kilalang tao:

  • John Locke – Siya ang nagsulong ng kaisipang ito na ang mamamayan ay likas na magkakapantay at malalaya; at walang magbanta sa kanilang buhay, pagmamay-ari at kalayaan.
  • Jean Jacques Rousseau – ang sumulat ng The Social Contract na nagsasabi na ang lipunan ay nagkasundo na sila ang pamamahalaan ng pangkalahatang kagustuhan at ang kanilang interes ay dapat pumaloob dito.

Ang mga Tao at Mga Pahayagang Nasyonalista

  • Ilustrado – mga estudyanteng mula sa pamilyang mayayaman na nakapag-aral sa Europa. Sila ang nagpasimula ng kilusang REPORMA at pumunta sa Espanya pagkatapos ng pagpatay sa mga paring GomBurZa.
  • Maximo at Pedro Paterno – ang mag-amang Paterno. Si Maximo ay pinahinalaang kasangkot sa Cavite Mutiny samantalang si Pedro ay binuksan ang kanyang tirahan para sa pagtitipon ng mga ilustrado. Sumulat din si Pedro ng Sampaguita Y Poesia sa wikang Pilipino.
  • Graciano Sanciaco – ang sumulat sa pahayagang El Democrata na ukol sa kalagayan ng Pilipinas. Siya rin ang sumulat ng El Progeso de Filipinas.
  • Graciano Lopez-Jaena – Isang bayaning nag-aral ng Medisina sa Madrid at theolohiya sa seminaryo noong nasa Pilipinas siya. Sumulat siya ng Fray Botod na isang satiriko na naglalahad ng pang-aabuso nga mga prayle.
  • Juan Luna – ang matandang kapatid ni Antonio Luna at isang pintor. Siya ang gumawa nga Spoliarium.
  • Felix Ressurecion Hidalgo – Ang gumawa ng Las Virgenes Cristianas Expuetas Al Populacho na isinali niya sa Exposicion de Bellas Artes.
  • Los Dosmundos – isang pahayagang ang layunin ay ang paghingi ng pagkapantay-panty na karapatan para sa mga kolonya, ang mag-ambag sa abot ng makakaya sa pagtaas ng pangkalahatang kapakanan sa Pilipinas, at iba pa.
  • Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda – ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ang gumawa ng dalawang nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo.
  • Marcelo H. Del Pilar – Ang sumulat ng Dasalan at Tocsohan na nagpapahayag ng mapang-abusong prayle, at Sobreña Monacol at La Frailocracia Filipina
  • La Solidaridad – Ang pahayagan ng Kilusang REPORMA na bunga ng dalawang samahang Masonreya na isang samahan na nagsusulong ng malayang kaisipan, at Revolucion, na itinatag ni Lopez-Jaena sa Barcelona.
  • La Liga Filipina – Ang itinatag ni Rizal sa Tondo na ang layunin ay magbuklod ang buong bansa upang maging isang bansang matatag at iisang lahi.
  • Katipunan – Kilala rin bilang Kataastaasang, Kagalanggalangan, Katipunan ng mga Anak ng Bayan, na itinatag nina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa , Deodato Arellano, Teodoro Plata, at Valentin Diaz.

Leave a Comment