Confession #3: Umamin Ang Asawa Ni Mang Alonzo Na Anak Niya Ang Bata

Nalaman Ni Mang Alonzo Na May Anak Ang Asawa Niya

MANG ALONZO – Umamin na si Aling Minda sa asawa niyang si Mang Alonzo na anak niya ang bata.

Gulong-gulo si Mang Alonzo sa mga nadatnan niya mula abroad. May isang bata sa bahay nila na itinatawag na mama ang asawa niyang si Aling Minda at sa mama at papa niya raw ang bahay na sa katunayan ay pagmamay-ari ng kakauwi lang sa OFW.

Pina-akyat ni Aling Minda ang bata na si Elize sa itaas at nagka-usap sila ng asawa niya. Hindi niya ito matignan sa mga mata hanggang sa kusa na lamang lumabas ang katotohanan mula sa mga bibig niya.

Aling Minda: Anak ko siya. Anak namin siya ni Fredo.

Bago pa makapagsalita si Mang Alonzo, may kumatok sa gate at iyon ay walang iba kung hindi ay si Fredo, ang matalik na kaibigan ng kaka-uwi lang na asawa ni Aling Minda.

Hudyat ng papatak ang mga luha mula sa mga mata ni Mang Alonzo pero pinigilan niya ito. Lumabas si Aling Minda upang buksan ang gate at pag pasok na pag pasok ni Fredo, kanang kamao ng kaibigan niya ang sumalubong sa mukha niya.

Pinigilan sila ni Aling Minda. Hindi nanlaban si Fredo. Naka-upo na siya sa sahig ng bumitiw si Mang Alonzo sa mahigpit na hawak sa leeg niya.

Mang Alonzo: Traidor ka! Tinuring pa naman kitang para ko nang kapatid! Ba’t ang asawa ko pa?
Fredo: Pare, hindi namin…
Mang Alonzo: Huwag mo akong ma tawag tawag na pare, traidor!
Fredo: Hindi namin sinasadya. Malayo ka, malungkot ang asawa mo. Iniwan mong mag-isa.
Mang Alonzo: Umalis ako para magtrabaho hindi para iwan lang siya dito. Hindi mo man lang ba naisip ang asawa mo? Ang mga anak niyo?

Napayuko si Fredo sa narinig mula sa matalik niyang kaibigan. Panay ang paglabas ng luha mula sa mga mata ni Mang Alonzo habang nagsasalita.

Mang Alonzo: Ikaw Minda, ba’t nagawa mo ‘to sakin?! Ibinigay ko naman ang lahat ng makakaya ko para mabigyan ka ng magandang buhay. Sa may asawa mo pa ako ipinag…

Natigilan si Mang Alonzo nang makita niya ang bata sa may hagdan. Lahat sila ay tumahimik pero halatang narinig ng bata lahat.

Ano kaya ang susunod na mangyayari? Subaybayan ang kwento ni Mang Alonzo sa website na ito o sa pahina ng Viral Facts sa Facebook.

Kung hindi mo nabasa ang mga naunang bahagi ng kwento, pwedeng mong bisitahin ang mga artikulong ito:

Leave a Comment