Date Published:

4:57 PM June 24, 2019

Date Updated:

4:57 PM June 24, 2019

in: News
Share to Facebook Share to Twitter More...

Ang Kwento ng OFW na si alyas “Mang Alonzo”

Narito ang kwento ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia na si alyas Mang Alonzo.

Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya nila. Isa na doon si alyas Mang Alonzo, isang welder sa Saudi Arabia.

Mag-sasampung taon nang hindi nakaka-uwi ng Pinas si Mang Alonzo. Parati lang siyang tumatawag sa asawa niya, si Aling Minda. Parati rin siyang nagpapadala ng pera sa maybahay niya.

Wala pang anak ang mag-asawa kung kaya’t sobra-sobra ang perang kinikita ng OFW sa kanilang dalawa ng asawa niya. Subalit, kapalit pala ng malaking ipon niya ang bagay na hinding-hindi niya inaasahang mangyari.

Isang araw, naisipan niyang umuwi para sorpresahin ang asawa niya. Nararamdaman niya kasing mukhang wala na itong gana sa tuwing nag-uusap sila sa telepono at palagi ring hindi makasagot sa tawag niya.

Ang nasa isip ng OFW, nami-miss lang siya ng asawa niya kung kaya’t nagkakaganito iyon. Umuwi siya noon sumunod na buwan ng walang pasabi sa maybahay niya.

Pagdating niya sa bahay, may naka-salubong si Mang Alonzo na bata sa balkonahe nila. Nilapitan niya ito.

Mang A: Sino ka?
Bata: Ako si Elize.
Mang A: Ako naman si Alonzo, ang may-ari ng bahay na ito.
Bata: Amin ang bahay na ito. Sa papa at mama ko ito.

Nagulat si Mang Alonzo sa sinabi ng bata. Sumunod dun narinig niya yung sigaw ni Aling Minda mula sa loob ng bahay.

Aling Minda: Elize, nak, nasaan ka?
Bata: Mama! Andito ako sa labas! May tao po.

Gulat-na-gulat si Mang Alonzo sa narinig niya – mama ang tawag ng bata sa asawa niya.

Sino kaya si Elize? Ba’t niya itinawag na “mama” ang asawa ni Mang Alonzo?

Hintayin ang susunod na kabanata ng kwento na ilalabas bukas sa https://www.facebook.com/ViralityFacts/?ref=bookmarks. Huwag kalimutang e-like ang Facebook page upang mas madaling makita ang karugtung nito.

Share to Facebook Share to Twitter More...
{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.