Confession #2: Nagulat Si Mang Alonzo Sa Tawag Ng Bata Sa Asawa Niya

Ang Karugtung ng Kwento ng OFW na si Mang Alonzo

MANG ALONZO – Gulat na gulat si Mang Alonzo sa narinig niyang pagtawag ng bata sa asawa niyang si Aling Minda na “mama”.

Masayang pumasok si Mang Alonzo sa kanilang bahay. Matagal na rin siyang hindi naka-uwi.

Subalit, napawi ang mga ngiti sa kanyang labi sa munting pag-uusap nila ng isang bata na nakasalubong niya pagpasok sa kanyang bahay.

Halatang nagulat ang bata noong sinabi ni Mang Alonzo na sa kanya ang bahay na iyon. Ayon sa bata, sa papa at mama niya iyon. Biglang narinig ng balikbayan ang tinig ng kanyang maybahay.

Mula sa loob ng bahay, sumigaw si Aling Minda at itinanong bata kung nasaan siya. Laking gulat ng kakauwi niyang asawa nang itinawag siya ng bata na “mama”.

Lumabas si Aling Minda at nadatnan niyang nakaluhod ang isang paa ng asawa niya sa harap ng bata. Halatang litong-lito ito sa kung ano ang nangyayari.

Aling Minda: Umuwi ka? ‘Di ka man lang nagpasabi.
Mang Alonzo: Sino ‘tong batang ‘to?
Aling Minda: Halika pasok ka muna sa bahay… uhhmm… Mainit diyan pasok na kayo.
Bata: Mama gusto ko nang sandwich nagugutom ako.

Pumasok si Aling Minda at ang bata. Halatang gulat na gulat ang asawa ni Mang Alonzo sa pag-uwi niya at hindi niya alam ang gagawin. Pumunta siya sa kusina habang ang asawa niya ay pumasok at umupo sa sala.

Paglabas niya ng kusina, may dala-dala siyang pagkain. Maraming pagkain – halata na hindi na niya napapansin na marami siyang naihanda gayong tatlo lang naman sila ang kakain.

Inihatid ni Aling Minda ang bata sa silid niya sa ibabaw. Pagbaba niya, sinalubong siya ng masakit na mga titig ng asawa.

Mang Alonzo: Tapatin mo nga ako. Sino yung bata?
Aling Minda: Aaah… Ehhh… Siya si Elize.
Mang Alonzo: Alam kong si Elize siya pero sino siya? Ano mo siya? Ni minsan wala kang nabanggit na Elize na anak-anakan mo.
Aling Minda: Anak ko siya. Anak namin siya ni Fredo.

Nalaglag ang mga balikat ni Mang Alonzo sa narinig niya. Halatang gulong-gulo ang isip niya pero bago pa siya makapag-salita ulit, narinig nilang may kumatok sa gate.

“Minda! Minda! Pakibukas ng gate ipapasok ko yung sasakyan sa garahe,” sabi ng tao sa labas.

Aling Minda: “Nandyan na si Fredo…”

Sino kaya si Fredo at paano nangyari ang lahat? Subaybayan ang karugtong ng kwento sa website na ito o sa https://www.facebook.com/ViralityFacts/?ref=bookmarks.

Kung hindi mo nabasa yung unang bahagi ng kwento ni Mang Alonzo, maari mong basahin sa – Ang ‘Di Malilimutang Pag-uwi Ni Mang Alonzo Dahil Sa Nadatnan Niya.

Leave a Comment