MAIKLING KWENTO TAGALOG – Alamin kung ano ang maikling kwento at basahin ang ilang mga halimbawa nito na may aral at magandang istorya.
Ang isang maikling kwento ay binubuo ng panimula, saglit na kasiglahan, suliranin, kasukdulan, at kakalakasan. Ang akdang pampanitikan na ito ay naglalahad ng kwento ng tauhan na madaling matapos basahin ng mga mambabasa.
MAIKLING KWENTO: 5 Halimbawa Ng Maikling Kwento Na May Aral
Basahin ang 5 Halimbawa ng Maikling Kwento na may Aral
MAIKLING KWENTO – Narito ang limang (5) halimbawa ng mga maikling kwento na mapupulutan ng magandang aral.
1. Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
Mayaman at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don Manuel at Señora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang pagiging anak-mayaman niya.
Sa katunayan, ibang-iba si Stella at malapit ang loob nito sa mga bata sa bahay-ampunan. Isang araw, ikinuwento niya sa dalawang kaibigan ang totoong dahilan kung bakit ganun niya ka mahal ang mga bata.
Basahin ang buong maikling kwento: Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
2. Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
Palagi na lang ang lumang sapatos ang sinusuot ni Kulas kahit binibilhan naman siya ng bago ng ina niya. Kahit hindi sila mayaman, ibinibigay ng mag-asawang Julio at Vina Cruz ang kailangan ng mga anak nila.
Subalit, hindi alam ng mag-asawa na may ginagawa pala ang anak nilang si Kulas kung kaya’t palaging lumang sapatos ang suot nito.
Basahin ang buong maikling kwento: Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
3. Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon
Simula noong binigyan siya ng selpon ng ina niya bilang sorpresa sa pagtatapos niya sa elementarya, nag-iba na si Inday. Sa lahat halos ng oras ay nakababad na siya sa selpon at may nakilala siyang si Rico.
Sa kabila ng pagpigil ng ina niyang si Aling Peling, itinuloy pa rin ni Inday ang pakikipagkita kay Rico. Hindi niya inasahan na iyon ay magdudulot ng malaking aral sa kanya.
Basahin ang buong maikling kwento: Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon
4. Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas
Parang magkapatid na sina Lino at Tomas. Sabay silang lumaki at lagi ring nagtutulongan lalong-lalo na sa mga gawain sa paaralan at pangangailangan. Subalit, isang insidente ang nagbago sa masayahing si Tomas.
Hindi inakala ni Lino na lubos na naapektuhan ang kaibigan sa nangyari sa mga magulang niya. Naging abala rin siya sa buhay niya hanggang sa isang araw ay nagising siya sa balita na nagdulot ng maraming panghihinayang sa kanya.
Basahin ang buong maikling kwento: Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas
5. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa – sina Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit o inggit pala si Bruno kay Kiting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kiting. Nagalit siya kay Bruno at pinarusahan ito. Ang pusa naman ay pawang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya ang aso noong umalis ang bata at ang nanay niya.
Basahin ang buong maikling kwento: Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
Iba pang maikling kwento: