ANO ANG PANITIKAN – Pag-alam sa kahulugan ng panitikan at ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag ng damdamin at diwa sa ganitong paraan.
Ang panitikan ay ang pagpapahayag ng mga damdamin, opinyon, kwento, at karanasan nga isang tao sa masining at malikhain na pamamaraan. Ito ay may iba’t ibang anyo, uri, at kahalagahan.
Mga Uri Ng Panitikan at Kahulugan – Ang Iba’t Ibang Anyo At Uri
Ano ang mga uri ng panitikan at kahulugan ng mga ito?
MGA URI NG PANITIKAN AT KAHULUGAN – Ang kahulugan ng mga iba’t ibang uri ng panitikan at ang pagpapaliwanag sa bawat isa.
Ang panitikan o maari rin na tawaging panulatan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Sa pinakapayak na paglalarawan, ito ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula kaugnay sa isang tao. Ang mga panulat na ito ay may saysay, hugis, anyo, pananaw, at diwa.
Maraming halimbawa ang panitikan at mga halimbawa nito ay alamat, bugtong, salawikain, epiko, pasyon, talumpati, tula, tayutay, parabula, palaisipan, at marami pang iba.
MGA URI:
- KATHANG-ISIP
Ito ang mga akda na nagmula sa imahinasyon ng isang manunulat. Samakatuwid, ito ang mga kwento na hindi totoo at gawa-gawa lamang.
- HINDI KATHANG -ISIP
Ito ang mga sulat na ibinatay sa mga pangyayari sa totoong buhay. Ilan sa mga halimbawa nito ay talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan.
Ang panitikan ay mayroong dalawang anyo: tuluyan o prosa at tula o panulaan.
Tuluyan o prosa ay ang pagpapahayag ng kaisipan na isinusulat sa pamamagitan ng patalata. Ito ang karaniwan at malayang pagsasama-sama ng mga salita sa isang pangungusap. Ang alamat, nobela, kathambuhay, anekdota, pabula, parabula, maikling kwento, sanaysay, dula, at kwentong-bayan ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.
Tula o panulaan ay pagsulat at pagpapahayag sa pamamagitan ng pasaknong. Ilan sa mga halimbawa nito ay awit at korido, epiko, balad, sawikain, salawikain, bugtong, tanaga, at iba pa.
Sa mga taong lumipas, maraming mga akda na nagawa na humulma sa ating panitikan gawa ng mga sikat na mga manunulat. Maraming gawa ang nagdala ng malaking impluwensya sa mundo.
Alamin ang ilan sa mga pinaka-impluwensyal na mga akda:
- Bibliya o Banal na Kasulatan
- Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe
- Iliad at Odyssey ni Homer
- Divina Comedia ni Dante
- Canterbury Tales ni Chaucer
- Isang Libo’t Isang Gabi
- El Cid Compeador
- Mahabharata
BASAHIN:
- Uri Ng Maikling Kwento – Uri Ng Isang Panitikang Tuluyan
- Ano Ang Sinasalamin Ng Panitikan? Kahulugan At Halimbawa
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.