Narito ang Pagpapaliwanag Kung Ano ang Panitikan at Ilang Mga Halimbawa Nito
ANO ANG PANITIKAN – Narito ang kahulugan ng panitikan at ang mga halimbawa nito.
Sa asignaturang Filipino, isa sa mga itinatalakay ay ang tungkol sa panitikan. Kadalasan, ito ay itinatalakay sa sekondarya at kolehiyo sapagkat medyo komplikado ito at maraming sangay.
Sa artikulong ito, ating pag-aaralan kung ano ang panitikan at ang mga halimbawa nito.
Ano ang Panitikan?
Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin.
Uri ng Panitikan
Ang dalawang uri ng panitikan ay piksyo at di-piksyon. Ang piksyon ay sumasaklaw sa mga uri ng panulit na walang katotohanan, kathang isip, o gawa-gawa lang.
Taliwas sa piksyon ay ang di-piksyon, ang uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng totoong kwento.
Mga Halimbawa ng Panitikan
- Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.
- Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento at mga sangay nito.
- Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon sa mga mambabasa.
- Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa Bibliya.
- Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang piksyon.
- Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.
- Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami itong yugto.
- Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga bagay-bagay.
- Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.
- Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa mga uri ng tao.
- Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga nangyayari sa bansa.
- Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado.
BASAHIN RIN: Tanyag Na Mga Pilipino Sa Larangan Ng Panitikan (Filipino)
malaking help po Ito Sa exam namin thank u😰🙌😊
ffff