Ano ang pang-abay na pamaraan at mga uri ng pang-abay. Alamin.
PANG-ABAY NA PAMARAAN – Ito ang ibig-sabihin ng pang-abay at pag-intindi sa isang uri nito, ang pang-abay na pamaraan.
Ang pang-abay ay “naglalarawan ng pangngalan”. Ito ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan din ng pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.
Ito ay maraming uri:
pamanahon
panlunan
pamaraan
pang-agam
ingklitik
benepaktibo
kusatibo
kondisyonal
pamitagan
panulad
pananggi
panggaano
panang-ayon
panturing
pananong
panunuran
pangkaukulan
At sa araling ito, pag-aaralan natin kung ano ang pang-abay na pamaraan. Ang uring ito ang naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa.
Ang mga salitang palatandaan o ginagamit ay nang, na, o -ng.
Ito ang mga halimbawa ng pamaraan sa pangungusap:
- Sumigaw ako nang malakas.
- Umalis ako sa party ng masaya at lasing.
- Kumain ako ng may kabilisan dahil dadating na ang mga customers.
- Dahan-dahang binuksan ng bida ang pinto at nagulat kami sa sumunod na eksena.
- Ako ay niyakap niya ng mahigpit bago siya umalis.
- Ang bata sa kwarto ay natutulog ng mahimbing.
- Ayoko nang umalis sa islang ito.
- Pabulong niyang sinabi sa akin ang kanyang sekreto.
- Naglakad ako ng matulin sa madilim na eskinita.
- Maingat na nagmaneho ang drayber papunta sa aming pagbabakasyunan.
Samantala, ang bahagi ng pananalita ay may walong bahagi.
- pangngalan (tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya)
- panghalip (panghalili sa pangngalan)
- pandiwa (salitang-kilos)
- pangatnig (pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita)
- pang-ukol (mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay)
- pang-angkop (nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita)
- pang-uri (naglalarawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya)
- pang-abay (nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay)
READ ALSO:
- Natural Light Examples – Different Sources Of Natural Light
- Paghahambing Na Di Magkatulad At Mga Halimbawa
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.