Young Man Sells Leche Flan to Support Surgery & Education

Young Man Goes Viral For Selling Leche Flan to Support Own Medical Surgery and Education

A young man goes viral and earns praises from the online community for selling leche flan to support surgery and education.

A netizen named Gelo Abugao has shared the photos of a young man identified as Juan Marco III selling leche flan to financially support his surgery and education. The post garnered various reactions from the netizens.

Marco graduates from senior high in Quipayo National High School last July 6, 2022, for selling desserts in the town of senior high in Calabanga, Camarines Sur. He is happy to see the fruit of his hard work.

Young Man

The 19-year-old vendor carries a cooler containing desserts. He is selling his goods in schools, houses, and other public places in the town. His earnings become a big help to his family.

Unfortunately, Marco’s medical condition called “inguinal hernia” gets worse because of his job. However, he endures all the hardships and difficulties just to reach his dream. He has great faith in God, which gives him the strength to continue.

The latter is dreaming to become a policeman someday.

Young Man

Here is the full post:

“Panawagan ng isang residente, tangkilikin sana ng publiko ang paninda ni Juan Marco III bilang suporta sa kagustuhan nitong makapag-aral at gumaling. Kuha ni Gelo Abugao

Walang kasing-tamis ang mga ngiti ni Juan Marco III matapos na maka-graduate sa senior high sa Quipayo National High School noong Hulyo 6, dahil sa araw-araw na paglalako ng panghimagas sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Bitbit ang ilang cooler, nag-iikot si Marco, 19, sa mga bahay, opisina at matataong lugar para ibenta ang leche flan na luto ng kanyang nanay.

Malaking tulong umano ang kinikita nila sa pagluluto at paglalako ng panghimagas dahil maliit din ang kita ng amang traffic enforcer sa lungsod ng Bacoor, Cavite.

Pero dahil sa araw-araw na pagbuhat ng mabigat, hindi maiwasan ni Marco na sumakit ang bahagi ng puson niya dahil sa inguinal hernia na iniinda niya mula pagkabata.

“Kahit na mahirap, may problema at pagsubok ay ’wag mawawalan ng pag-asa, magtiwala sa Diyos dahil kapag naniniwala sa Diyos, lahat ay makakayang gawin,” ani Marco na pangalawa sa tatlong magkakapatid.

Bukod sa makaipon ng perang pampa-opera, dapat aniya siyang magsipag para may pang-matrikula sa kursong nais kunin sa kolehiyo.

“Noon pa man gusto ko ng makapagsuot ng uniporme ng pulis na mismong apelyido ko ang nakalagay. Gusto kong maging isang malinis na pulis na matapat na nagsisilbi sa bansa,” saad nito.

Kinuhanan ni Gelo Abugao ng retrato ang binata nang minsang makasabay sa isang opisina dahil sa pagkamangha sa kasipagan nito.

Aniya, tangkilikin sana ng publiko ang paninda ng binata bilang suporta sa kagustuhan nitong makapag-aral at gumaling.

“Kung inyo pong makita si Juan, baka naman po pwede niyo mabilhan mga kaibigan,” hiling ng local radio personality.

“Tuloy lang, pasasaan ba at makakamit mo din ang iyong pangarap, Juan.”

The social media users expressed their reactions to the post:

What can you say about this story? Just feel free to leave your comments and reactions to this article.

Thank you for visiting Philippine Trending News (Philnews.ph). You may also follow us on the following social media platforms; FacebookTwitter, and YouTube.

Leave a Comment