Ito ang mga masasamang epekto ng solid waste na dapat mong malaman!
EPEKTO NG SOLID WASTE – Alamin ang mga masasamang epekto at mga naidudulot ng solid waste sa tao at sa kalikasan.
Ang pangangalaga ng kalikasan ang isa sa mga pinakamahalagang tungkulin ng tao. Dito nanggagaling ang lahat ng ating mga ginagamit sa pang-araw-araw tulad ng pagkain, tirahan, gamot, at marami pang iba subalit ang iba ay inaabuso ang mga ipinagkakaloob nito sa atin. Sinisira natin ito para sa ating mga personal na hangarin.
Bukod sa pagsira at pang-aabuso ng kalikasan para sa mga personal na hangarin, ang ibang tao ay kulang rin sa kaalaman tungkol sa kahalagahan nito sa atin ngayon at sa kinabukasan pa ng mga susunod na henerasyon.
At sa Pilipinas, taon-taon ay nakakaranas tayo ng ibat-ibang mga penomena tulad ng pagbaha, landslide, at bagyo at ito ay dahil hindi na maganda ang kalagayan ng ating kapiligiran. At isa sa mga pangkapaligirang suliraning ng mundo ay ang mga solid waste o mga basura.
Ang basura ay hindi natin maiaalis na parang magic. Hindi ito basta-basta nawawala lang. Ang kailangan ay ang pagiging responsable natin mula sa pagtapon at paghihiwalay ng mga nabubulok, di nabubulok, at recyclables.
Ito ang magiging epekto nito sa kapaligiran:
- Kalamidad tulad ng pagbaha.
- Pagkamatay ng mga hayop dahil sa mga oil spills at iba pang gawain ng pagkakalat.
- Pagkasira ng kagubatan na makaka-apekto sa buhay ng mga hayop na naninirahan dito.
- Pagkawala ng produktong mula sa ating mga yamang tubig.
- Kasiraan ng turismo.
- Nagdudulot ng polusyon na masama sa kasulugan.
- May mga sakit na epekto tulad ng inpeksyon, pagkalason, at iba pa.
READ ALSO:
- Despite and In Spite Of – Difference and Correct Use Of “Despite” & “In Spite Of”
- Although and Even Though – Correct Use Of “Although” & “Even Though”
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.