Pang-abay Na Panulad Halimbawa, Ano ang Pang-abay na Panulad

Ano ang Pang-abay na Panulad at magbigay ng halimbawa sa pangungusap.

PANG-ABAY NA PANULAD HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na Panulad at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.

Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salita o kataga na nagtuturing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. May iba’t ibang uri ito na nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa at sinasagot ang mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.

Pang-abay Na Panulad

Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:

At ang panulad, isang uri ng pang-abay, ay tatalakayin natin sa sulating ito. Ang pang-abay na panulad ay ginagamit upang ang dalawang bagay ay maisahalintulad. Ginagamit din ito para maihambing ang iba’t ibang katangian ng dalawang bagay o tao. Ang katagang ginagamit ay kaysa, higit, di hamak, di gaya, labis, di gaano, at lalong-lalo.

Halimbawa sa pangungusap:

  1. Mahusay sumayaw si Sanny kaysa kay Manny.
  2. Mas gugustuhin ko pang magbasa kaysa sa maglaro ng online games sa computer.
  3. Ang nais kong gawin sa Sabado ay matulog buong araw kaysa sumama sa pamamasyal nila sa kabilang bayan.
  4. Mas madaling sabihin na mas importante ang damit kaysa sa gadgets.
  5. Di hamak na mas maganda ako sa kanya.
  6. Di hamak na mas masakit ang nangyari bilang rason ng una naming paghihiwalay.
  7. Magkasing-ganda lang si Ana at Marie kaya hindi ko alam kung sino ang mananalo sa pageant.
  8. Di gaanong katalino ang anak ni Marites.
  9. Labis ang paghihinagpis ng aking ina ng mawala ang bunso namin.
  10. Ang gusto ko ay mag-aral kaysa walang gawin sa aking bakanteng oras.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment