Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano ang Pang-abay na Panang-ayon at magbigay ng halimbawa.

PANG-ABAY NA PANANG-AYON HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na Panang-ayon at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.

Ang pang-abay ay adverb sa Ingles na wika. Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Ito ay may iba-ibang uri kung saan ang bwat isa ay nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Ang bawat uri rin ay nagsasagot ng mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.

Pang-abay Na Panang-ayon

Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:

Isa sa mga uri ay ang panag-ayon na nag-ugat sa salitang sang-ayon na ang ibig sabihin ay hindi pagtanggi. Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon o pagtangaap sa kausap. Ang mga katagang ito ay ginagamit upang magsaas ng pagsang-ayon:

  • oo, opo, oho (yes)
  • sige (okay, all right)
  • talaga (really, surely, certainly)
  • tunay (really, truly, actually)
  • tiyak (surely, definitely, certainly)
  • walang duda (undoubtedly)
  • sigurado (surely, undoubtedly)
  • siyempre (of course, naturally, certainly)
  • siyanga (of course, indeed)

Mga halimbawa sa pangungusap:

  1. Sigurado ako na ikaw ay makakatanggap ng gantimpala para sa iyong mabuting gawain.
  2. Tunay na kahanga-hanga ang kanyang talento sa pagkanta!
  3. Tiyak ko na ako na ang mananalo sa raffle sa susunod na taon.
  4. Talaga namang nakakatakot ang palabas kanina sa telebisyon.
  5. Sige, tutulong ako sa paggawa ng parol ngayong taon.
  6. Talagang laging malikot ang imahinasyon ng lalaking iyan!
  7. Opo, napakaganda nga ng tanawin ng dalawang bundok mula dito sa ibabaw.
  8. Tiyak ako na mananalo ang kandidata ng kabilang eskwelahan.
  9. Dahil sa pandemya, tiyak na maraming tao ang nawalan ng trabaho.
  10. Sigurado ako noon pa man na ikaw na ang babaeng pakakasalan ko.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Pang-abay Na Panang-ayon Halimbawa, Ano ang Pang-abay na Panang-ayon". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.