Ano ang Pang-abay na Panturingat magbigay ng halimbawa.
PANG-ABAY NA PANTURING HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na Panturing at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.
Ang pang-abay o ang adverb ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay. Ang tawag nito sa Ingles ay adverb at mayroon itong iba’t ibang uri na nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Sinasagot din nito ang mga tanong na paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.
Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:
- pamanahon
- panlunan
- pamaraan
- pang-agam
- ingklitik
- benepaktibo
- kusatibo
- kondisyonal
- pamitagan
- panulad
- pananggi
- panggaano
- panang-ayon
- panturing
- pananong
- panunuran
- pangkaukulan
At ang isa sa mga uri nito ay ang panturing kungsaan ito ay tumutukoy sa mga salita na nagpapahayag ng pagkilala o pagtanaw ng utang na loob.
Halimbawa sa pangungusap:
- Mabuti na lang at dumating ka na dahil ikaw na lang ang hinahanap sa piyesta para mag-talumpati.
- Maraming salamat dahil tinulungan mo ako sa mga oras na kailangan ko ng tulong-pinansya.
- Nang dahil sa iyo ay natapos ko ang aking pag-aaral at may maganda nang buhay ngayon.
- Mabuti na lang at may extrang lapis si Miriam kung wala ay hindi sana ako makakakuha ng exam.
- Maraming salamat sa mga damit na ibinigay mo sa akin noong kami ay nabaha.
- Taos puso akong nagpapasalamat sa tao na nagligtas sa iyong buhay.
- Nagpapasalamat ako sa lahat ng tao na tumulong upang maapula ang apoy ng nasusnog naming bahay.
- Kung hindi dahil sa busilak mong puso upang tumulong ay hindi sana ako makakapundar ng pangkabuhayan na ito.
- Maraming salamat sa lahat ng pagbati niyo sa akin sa aking kaarawan.
- Maraming salamat sa pagpunta sa munting selebrasyon ng binyag ng aking anak.
BASAHIN:
- Balat Sibuyas Kahulugan At Gamitin Sa Pangungusap (Sagot)
- Elemento Ng Sanaysay – Anu-ano Ang Mga Elemento Ng Isang Sanaysay?
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.