Mga Gampanin Ng Mga Kababaihan Sa Kasalukuyang Panahon

Narito and iba’t ibang mga gampanin ng mga kababaihan sa panahon ngayon.

MGA GAMPANIN NG MGA KABABAIHAN – Ang babae noon at ngayon ay magkaiba na ang gampanin at ito ang mga kaibahan.

Noon, malayong magkaiba ang estado ng mga kalalakihan sa kababaihan. Di hamak na mas mababa ang tingin sa mga babae noon sa isang lipunan. Pero sa panahon ngayon, marami ang nag-iba. Dulot ng maraming pagbabago, ang lalaki at babae sa kasalukuyan ay halos magkakapareho na ang mga tungkuling ginagawa at resposibilidad.

Mga Gampanin Ng Mga Kababaihan

Sa sinaunang panahon, ang mga babae ay may kahinhinan sa pag galaw, madasalin, at katuwang sa pag-aalaga sa bahay at pamilya. Wala silang karapatan na gumawa ng isang desisyon para sa kanilang sarili at wala silang boses. Sa lipunan, walang halaga ang kanilang mga salita. Samakatuwid, mas binibigyan ng halaga ang kalalakihan kaysa sa mga kababaihan noon.

Ang paglalarawan sa mga kababaihan noon ay laging nasa bahay para sa pagdodomestiko tulad ng pag aalaga ng mga hayop, paglilinis pagluluto, at iba pang mga gawaing bahay, at palaging balot ang katawan ng mga malalaki at mabibigat na kasuotan. Ang mga babae ang mga taga-bahay, taga-luto, at tagapag-alaga.

Pero sa paglaon ng panahon, ang lalaki at babae ngayon ay pareho nang gumaganap, may karapatan, magkapantay, at may mga batas na pumo-protekta sa mga babae laban sa pananakit at pang-aabuso. Maari na silang mamuno at magkaroon ng posisyon sa lipunan ngayon.

Ito ang ilan sa mga gampanin ng mga kababaihan sa ngayon:

  • Babae ang “Ilaw ng Tahanan” kung saan sila ang tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak. Pantay na ang katayuan at karapatan ng ama at ina sa isang tahanan.
  • Babae ang humahawak ng pera para mag-budget nga mga gastusin para sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
  • Bahagi sila ng mga proyekto na makakapagpa-unlad ng lipunan at karapatan nila na maging lider at mamuno.
  • Sa propesyon, maari silang kumuha ng kurso na kanilang gusto tulad ng pagdo-doktor at paga-abugado.
  • Maari silang humawak ng tungkulin sa pamahalaan.
  • Maghanap-buhay at kumita ng pera para sa pamilya.
  • Sa pananamit, may karapatan silang suotin ang kanilang nais at hindi na bawal na maglagay ng kolorete sa mukha.

READ ALSO:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment