Ano Ang Aral Na Makukuha Sa Tula Na “Ang Guryon”? (Sagot)
ANG GURYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga aral na makukuha sa tula na “Ang Guryon” ni Ildefonso Santos.
Ang Guryon
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
Ang tulang ito ay isang simbolo ng ating pagkatao, pagkamakabansa, at sumasalamin sa ating buhay. Sa unang bahagi ng tula, nalaman natin na ang guryon ay may pula, puti, at asol na kulay, tulad lamang ng ating watawat. Sumisimbolo ito sa atin bilang mamamayan ng Pilipinas.
Sa Ikalawang saknong, makikita natin na dapat balansehin natin ang solo’t paulo’y. Ito’y maaaring sumisimbolo na dapat mayroong balanse ang ating buhay upang hindi tayo magkiling.
Pagkatapos, isa sa mga aral na makukuha natin ay dapat nating pabayaang lumipad ang guryon kung ito ay sumimoy ng hangin. Ito ay sumasalamin sa ating mga kabataan at bansa na naglalayong maging malaya.
Ngunit, sa buhay natin, mayroong mga malalakas na hangin. Ito ang mga problema at mga pagsubok na naghihintay sa atin. Kaya dapat tayo’y makipaglaban at hindi susuko.
Ang buhay nga natin ay totoong parang guryon, marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot. Kaya dapat tayo’y magbigay puri sa diyos bago pa tayo tuluynag sa lupa’y sumubsob.
BASAHIN RIN: Paano Maiiwasan Ang Malaking Agwant Ng Pamumuhay?
Anong aral Ang makukuha mo sa tula