Ano Ang Mga Uri Ng Talumpati? (SAGOT)
URI NG TALUMPATI – Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang entbalado.
Ito ay may tatlong uri:
- Talumpating Walang Paghahanda
- Talumpating Pabasa
- Talumpating Pasaulo
Talumpating Walang Paghahanda – Ito ang isa sa pinakamahirap gawing talumpati. Tinatawag ito na impromptu speech o daglian.
Ito ay talumpating biglaan at na bibigyan lamang ng ilang minuto o oras upang makasagot at mag lahad ng ideya.
Talumpating Pabasa – Ito ay pinaghahandaan, sinusulat, at binabasa ng nagtatalumpati. Binibigyan ng sapat na oras upang maghanda ang tagasalita.
Talumpating Pasaulo – Ito ay talumpating sinulat o minemorya pa. Hinahandaan muna ang talumpati at pinag-eensayo muna bago gawin.
Halimbawa:
KAHALAGAHAN NG PAMILYA
Marahil madalas nating nakakasama ang ating mga kaibigan sa eskwelahan man o sa opisina subalit sa ating paguwi ang pamilya ang ating nakakasama. Sila yung laging naggagabay at nag-aalala. Kasabay sa kainan, panunuod ng telebisyon, at pagtawa. Ngunit madalas hindi natin nakikita ang kanilang importansya.
Gigising tayo sa umaga, mag-aaral, magtratrabaho, kakain, matutulog. Lahat tayo ay abala sa kanya kanyang laban sa buhay. Madalas hindi natin sila pinapansin. Dahil alam natin na lagi lang sila nandiyan. Diba sadyang magaan ang buhay pag alam mong nakaalalay lang sila? Kaya pahalagahan natin ang pamilya. Sila ang dahilan kung bakit ka masaya.
Maikling talumpati ni ReadKnowWrite
Basahin rin:
Talumpati Tungkol Sa Pamilya: Halimbawa Ng Talumpati
Halimbawa ng talumpati: 5 talumpati tungkol sa kabataan