PANGNGALANG PANTANGI – Sa ibaba ay mababasa ang isang komprehensibong pagtalakay ng uri ng pangngalan na ito at kanyang mga halimbawa.
Maraming mga topiko sa Filipino ngunit pinaka mainam na magsimula ang ating talakayan sa mga pinaka pangunahing mga topiko na dapat nating maintindihan para mas madali ang mga susunod na hakbang.
URI NG PANGNGALAN: Pantangi at Pambalana
Kilalanin ang mga Uri ng Pangngalan – Pantangi at Pambalana
URI NG PANGNGALAN – Narito ang kahulugan at mga halimbawa ng dalawang uri ng pangngalan – ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang pangngalan. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, at marami pang iba. Ang sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng pangngalan:
- Ricky Santos
- Paaralan
- Strawberry Juice
- Parke
- Mababang Paaralan ng Macario Lopez Jandrino
- Andres Bonifacio
Ang pangngalan ay may dalawang uri – ang pangngalang pantangi at pangngalang pambalana. Nais mo bang malaman ang ipinagkaiba ng dalawa at ang mga halimbawa ng bawat isa?
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang dalawang uri ng pangngalan. Aalamin natin kung ano ang pangngalang pantangi at ano ang pangngalang pambalana.
Pangngalang Pantangi
Ang pangngalang pantangi ayon sa presentasyon ni Clement Guillamas ay ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak ng ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa.
Kadalasan, ang pangngalang pantangi ay nagsisimula sa malaking titik. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tiyak na pangngalan:
- Gregorio del Pilar
- Bb. Aisah Gomez
- Dr. Roberto Jimeneco
- Bacolod City National High School
- Luneta Park
- Bench
- Jollibee
- Bruno (aso)
- Araw ng mga Puso
Halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pangngalang pantangi:
- Tungkol kay Gat Jose Rizal ang itinuro ng guro sa mga bata.
- Sa Mababang Paaralan ng Santo Rosario nag-aaral ang magkapatid na Jelai at Kulas.
- Dumaan sa tulay ng San Juanico ang sasakyang sinakyan namin.
Pangngalang Pambalana
Ayon sa presentasyon ni Clement Guillamas, ang pangngalang pambalana ay ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa.
Hindi katulad ng pangngalang pantangi na karaniwang nagsisimula sa malaking titik, ang pangngalang pambalana ay nagsisimula sa maliit na titik. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
- Damit
- Guro
- Bayani
- Pook-Pasyalan
- Parke
- Aso
- Paaralan
Halimbawa ng mga pangungusap na gumagamit ng pangngalang pantangi:
- Ang matangkad na guro na nakatayo sa labas ay isang baguhang guro.
- Pumunta sa palengke ng maaga ang tindero upang makarami ng benta.
- Nakita ko sila sa parke kagabi naglalaro ng tagu-taguan.