KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG TSINO – Alamin ang mga mahahalagang ambag at kontribusyon na nagawang Kabihasnang Tsino.
Ito ang kabihasnan na umusbong sa China na nasa Silangang Asya. Ito ang pinakamatandang kabihasnan na nakagawa ng maraming pinakamahalagang kontribusyon sa modernong lipunan.
Kabihasnang Tsino – Ano Ang Kanilang Mga Ambag Sa Mundo?
Ano ang mga naging kontribusyon ng Kabihasnang Tsino sa daigdig?
KABIHASNANG TSINO – Ito ang mga naging ambag ng kabihasnang Tsino sa daigdig, isa sa mga pinakamatandang kabihasnan ng mundo.
Ang pangalan ng bansang China ay nagmula sa kanilang ika-apat na dinastiya na Chin. Sa dinastiyang ito nagbuklod ang mga Tsino. Ito ay matatagpuan sa Silangang Asya ay pinaliligiran ng Disyerto ng Mongolia sa hilaga, dagat Tsina sa timog, Dagat Pasipiko sa silangan, at Kabundukan ng Himalaya at Tibet sa may kanluran.
At ang kabihasnang Tsino ang isa sa mga kabihasnan na gumawa ng mga pinakamahalagang kontribusyon sa modernong lipunan.
Ang mga dinastiya ay nakagawa ng mga mahahalagang kontribusyon sa kultura, sining, pulitika, at lipunan. Ilan sa mga ito ay ang pagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan, mga kahanga-hangang gawaing tanso, pag-usbong ng Confucianism, imbensyon ng pulbura, kumpas, paggawa ng papel, at paglilimbag at marami pang iba.
Ito ang iba pa nilang mga ambag:
- Kaligrapiya o ang sistema ng pagsusulat na ginagamitan ng mga simbolong panlarawan
- Ancestral Worshipping
- Paggamit ng bronze, jade, porselana, at ivory
- Paggawa ng dike, kalsada, at mga irigasyon
- Paggamit ng pana bilang sandata sa pakikidigma
- Paggamit ng wood block printing
- Mga uri ng pananampalataya gaya ng Buddhism
- Ang Civil service Examination para sa mga kawani ng pamahalaan
- pagtatayo ng Great Wall of China at ang pagtatatag ng Forbidden City
- pagbuo ng abacus at pagka-imbento ng mga negatibong numero at mga desimal
May labing-anim na dinastiya ang naghari sa rehiyon ng China at bawa dinastiya ay may mga natatanging ambag na karamihan sa mga ito ay ginagamit natin sa kasalukuyang panahon.
READ ALSO:
- Liham Pangangalakal – Kahulugan, Mga Bahagi, At Halimbawa
- Mga Uri Ng Kalamidad Sa Pilipinas na Dapat Nating Malaman
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.