Liham Pangangalakal – Kahulugan, Mga Bahagi, At Halimbawa

Alamin kung ano ang liham pangangalakal at ang halimbawa nito.

LIHAM PANGANGALAKAL – Ito ang kahulugan at halimbawa ng isang liham pangangalakal at ang mga bahagi nito para makabuo ng isang liham.

Ang pagsulat ng isang liham ay mananatiling mahalaga at kapaki-pakinabang. Maraming uri ang liham na nagagamit sa mga partikular na bagay. Ito ay ginagamit ng isang organisasyon o indibidwal para maghatid ng impormasyon, magpahayag ng kahilingan, mag-alok ng produkto, at marami pang iba.

Pero ano ang isang liham pangangalakal at ano ang gamit nito?

Ang liham pangangalakal ay business letter sa Ingles. Ito ay isang pormal na sulatin na naglalaman ng ng impormasyong komersyal o pangnegosyo. Ang liham na ito ang nagsisilbing tulay ng mga kompanya sa ibang mga kompanya at mga kustomer nila.

Liham Pangangalakal

Mga bahagi nito:

  • Pamuhatan
    Dito makikita ang address, kontak, at tirahan ng sumulat. Nakasaad din dito ang petsa kung kailan ginawa ang liham.
  • Patunguhan
    Nasasaad dito ang mga detalye tungkol sa tatanggap ng liham.
  • Bating Panimula
    Ito ay nagsisimula sa mga katagang ‘Ginoo:’ ‘Ginang:’ ‘Mahal na Ginang:’ ‘Mahal na Binibini:’ at iba pa na sinasabi kung para kanino ang sulat.
  • Katawan ng Liham
    Dito sa bahaging ito makikita ang mensahe o layunin ng pagsusulat. Ito ang pinakamahalagang bahagi. Para sa isang epektibo na katawan ng liham, dapat ito ay malinaw, maikli, magalang, propesyunal ang tono, maayos ang grammar at spelling, at detalyado.
  • Bating Pangwakas
    Ito ay nagsasad ng pormal na pagtatapos ng liham.
  • Lagda
    Ito ay ginagamit para ipahayag ang pagpapatunay, pagsang-ayon, o pagkilala sa nilalaman ng dokumento.

Halimbawa:

G. Jose Lariz
Punong Tagapangasiwa
CENECO
Silay City, Negros Occidental

Ginoo:

Ako po ay taga Brgy. V, Elena Subd. Biktima po ako ng bagyong Ramon na sumalanta sa ating bayan noong tatlong linggo.

Sumusulat po ako ngayon upang ipaalam at hilingin na puntahan ninyo ang amin lugar upang ma ayos ang kuryente sa aming barangay. Napakatagal na pong hindi na ayos ang ilaw sa amin at marami ng negosyo ang naapektuhan. Walang dumalaw samin mula sa inyong tanggapan para makita ang aming sitwasyon dulot ng malakas na bagyo.

Sana po ay mabigyan nyo ng pansin ang aming kahilingan at mabigyan ng mabilis na aksyon ang reklamo ng barangay.

Sumasainyo,
Peter, De la Cruz

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment