MGA URI NG KALAMIDAD – Ito ang mga iba’t-ibang uri ng kalamidad na nangyayari sa Pilipinas at ang mga detalye tungkol sa mga ito.
Ang kalamidad ay nakakapinsala. Maraming buhay ang naaapektuhan at minsan pa, ang mga kalamidad na mga ito ay kumikitil ng buhay. Malaking hamon ang mga kalamidad na patuloy na dumadating sa ating bansa at ito ang mga dapat nating malaman.
Uri Ng Kalamidad Halimbawa At Iba Pang Kaalaman
Ano Ang Mga Halimbawa Ng Uri Ng Kalamidad? (Sagot)
URI NG KALAMIDAD – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng iba’t-ibang uri ng kalamidad.
Maraming kalamidad ang ating makikita na nangyayari sa mundo. Masakit man ito at marami ang naaapektuhan, ang mga kalamidad na ito ay natural na mga pangyayari sa mundo. Pero, hindi ibig sabihin na hindi natin ito maiwasan o gawan ng paraan ubang mapaliit ang pinsala.
Heto ang mga halimbawa ng kalamidad na kadalasan nating makikita sa Pilipinas:
- Bagyo
- Taon-taon, may ilang bagyo ang pumapasok sa Pilipinas. Ito’y dahil ang ating bansa dahil sa heograpikal na lokasyon nito.
- Baha
- Ilan lamang sa mga dahilan ng pagbabaha ay ang malakas na ulan na dala ng mga bagyo. Ngunit, may mga baha rin minsan na nagaganap dahil sa pag-taas ng lebel ng tubig sa mga dam. Bukod dito, ang pagkasira ng mga puno at illegal na pagmimina ay nagpapalala rin ng baha.
- Flashflood
- Ito ay isang biglaang pagbaha sa mababang lugar, maaring ang tubig ay mula sa mataas na lugar gaya n g mga bundok o talampas
- Landslide
- Ito ay isang pagguho ng lupa mula sa isang matarik na bundok, maaring dahilan ng paglambot ng lupa dahil sa ulan o maaring dulot ng pagyanig ng lupa.
- Lindol
- Ito ay natural na kalamidad na nangyayari dahil sa mga fault line o pagputok ng mga aktibong bulkan. Ito’y maaaring mag dulot ng tsunami o stormsurge kapag ang lindol ay nasa dagat.
- Tsunami
- Ito ay isang biglaang pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, maaring tumaas lampas niyog depende sa lakas ng pagyanig ng lupa na nasa ilalalim ng karagatan.
- Stormsurge
- Mas kilala ito sa tawag na “daluyong”, isa rin itong pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat. Posibleng lampas tatlong palapag ng bahay ang abot ng tubig.
- Pagputok ng Bulkan
- Ang Pilipinas ay tahan ng ilang aktibong bulkan. Kapag pumutok ito, lalabas ang lahar at maitim na usok na tinatawag na ashe clouds na masama para sa mga tao.
- El Niño
- Isang mahabang panahon (maaring ilang buwan) na nakakaranas ng malakas at mataas ang temperatura.
- La Niña
- Isang mahabang panahon (maaring ilang buwan) ng pag-ulan sa isang lugar.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Mapapaunlad Ang Sarili At Mga Halimbawa Nito