ANO ANG BALANGKAS – Alamin at pag-aralan ang kahulugan ng balangkas, ang tatlong uri nito, at paano ito ginagamit.
Ang balangkas ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang parte at bahagi ng isang sulatin. Nagsisilbi itong patnubay at gabay. Ito ang tatlong uri ng balangkas.
Paano Gamitin Ang Balangkas – Halimbawa At Kahulugan Nito
Paano Ba Gamitin Ang Balangkas? (Sagot)
BALANGKAS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba gamitin ang balangkas at ang mga halimbawa nito. Una sa lahat, ating aalamin kung ano nga ba ang isang balangkas.
Ang Balangkas ay ang pagkasunud-sunod ng kwento. Ito ay ang maayos na paghahanda ng ulat sa pamamagitan ng pagsulat ng mga mahahalagang punto hingil sa paksa.
Ginagamit ang balangkas para mabigyan ng tamang kaayusan ang mahahalagang bahagi ng isang sulatin o kwento. Mahalagang bahagi lamang ang makikita dito upang magsilbing patnubay sa gagamitin ukol sa magiging nilalaman ng isang sulatin.
Importante ang paggamit ng balangkas para mahandaan ang ulat ng anumang sulatin. Halimbawa nito ay ang pag-uulat, pananaliksik, at pagsasaayos ng mga impormasyon.
Heto ang isang halimbawa:
Mayroong tatlong uri ng Balangkas:
1. Pamaksang Balangkas (topic outline) – binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa pananalita o pahayag.
2. Pangungusap na Balangkas (sentence outline) – Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng pangunahing ideya at maynor na ideya.
3. Patalatang Balangkas (paragraph outline) – Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman ng buong mga talata ng sulatin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Mahalaga Ba Ang Pagbasa At Pagsulat Sa Tekstong Impormatibo? (Sagot)