Mga dapat mong malaman tungkol sa maikling kwento. Alamin at pag-aralan dito!
MAIKLING KWENTO – Ating talakayin ang kahulugan, mga bahagi, elemento, mga uri ng maikling kwento, at marami pang iba.
Ano ang maikling kwento?
Ito ay isang anyo ng panitikan na ang ibig sabihin nito ay naglalaman ng maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari. Ito ay nag-iiwan ng magandang aral at bagong karunungan sa mga mambabasa.
Ang partikular na anyo ng panitikan na ito ay ginagamit bilang kwentong pambata.
Ang isang maigsing kwento ay binubuo ng simular, gitna, at wakas o ang mga bahagi nito. Ang simula ay kung saan ang mga tauhan ay naipakilala, gitna kung saan makikita ang kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan, at ang wakas o ang ang kakalasan at katapusan.
Ito ay mayroong mga elemento tulad ng:
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Panimula
- Saglit na Kasiglahan
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
- Kaisipan
- Suliranin
- Tunggalian
- Paksang Diwa
Ang mga iba’t ibang uri nito ay:
- Kwentong Makabanghay
- Kwentong Katutubong Kulay
- Kwento ng Kababalaghan
- Kwento ng Tauhan
- Kwento ng Katatawanan
- Kwento ng Pag-ibig
- Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko
- Kwento ng Talino
- Kwento ng Pampagkakataon
- Kwento ng Kapaligiran
Ayon kay Alejandro Abadilla, ang maikling kwento ay dapat na mayroong paksang diwa, banghay, paningin, himig, diyalogo, kapananabikan, galaw, tunggali, kakalasan, suliranin, at kasukdulan.
Basahin ang ilang halimbawa:
- Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
- Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas
- Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon
- Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas
- Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
- Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit
- Si Lucas At Ang Kanyang Pagong
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.