Pagtalakay Kung Ano ang Maikling Kwento & Mga Halimbawa Nito
ANO ANG MAIKLING KWENTO – Narito ang pagtalakay sa kahulugan ng maikling kwento at ang mga halimbawa nito.
Pagdating sa mga maliit na bata, isa sa mga paraan ng mabisang pagtuturo ng mabuting aral ay sa pamamagitan ng mga maikling kwento. Mula sa mga kwentong ito makakakuha ng ideya ang mga bata tungkol sa tamang pag-uugali.
Subalit, bago tayo magbasa ng maiking kwento, tayo ay magbabalik-tanaw sa tunay nito at ang mga halimbawa nito.
Ano ang Maikling Kwento?
Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.
Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga bata.
Bahagi ng Maikling Kwento
Mayroong tatlong bahagi ang maikling kwento – ang simula, ang gitna, at ang wakas ng kwento.
Sa simula, dito ipinapakilala ang mga tauhan at mga tagpuan ng mga gumaganap sa kwento. Bahagi ng magiging suliranin sa kwento ay mababasa rin sa bahaging ito.
Sa gitna ng maikling kwento ang lubusang pagtalakay sa suliranin ng mga tauhan. Narito ang tunggalian at pati na rin ang kasukdulan. Ang mga pangyayari ay unti-unting bababa patungo sa wakas na siyang katapusan ng kwento.
Mga Halimbawa ng Maikling Kwento:
- Si Juan At Ang Kanyang Mga Paboritong Chichirya
- Si Bb. Lucia At Ang Mga Mag-aaral Ng Klase Sampaguita
- Ang Mga Munting Hiling Ni Kiko Sa Pasko
- Ang Mahiwagang Singsing ni Reyna Marikit
- Ang Bahay Na Napapalibutan Ng Mataas Na Pader
- Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
- Si Lino At Ang Kanyang Matalik Na Kaibigang Si Tomas