Kodigo Ni Hammurabi Sa Kababaihan At Sinaunang Panahon

Ano ang mga nakasaad sa Kodigo Ni Hammurabi at ang pagkakaiba nito sa Kodigo Manu?

KODIGO NI HAMMURABI – Alamin ang mga batas na nakasaad sa Kodigo Ni Hammurabi tungkol sa sinaunang lipunan.

Si Hammurabi ay ang ikaanim na hari ng Babylonia at isinulat niya ang kanyang kodigo noong CA 1772 BCE. May isang halimbawa nito na nasagip hanggang sa kasalukuyan at ito ay nakaukit sa isang basaklto na may pitong talampakan, apat na pulgada ang haba.

Kodigo Ni Hammurabi

Ang kodigo ay naglalaman ng 282 batas na naisulat sa 12 tableta sa wikang Akkadian. Sinasabi na ang mga nakasaad na batas dito ay di hamak na mas mabagsik kung ikukumpara sa mga batas natin ngayon sa modernong panahon.

Ito ang ilang mga batas na nilalaman ng kanyang kodigo:

  • Kung sinuman man ang magsumpong ng isang kasalanan ng isang tao na may parusang kamatayan at hindi niya ito napatunayan, siya ang papatayin.
  • Ang magnanakaw ay may kamatayan na kaparusahan at sinuman ang tumanggap ng mga bagay na ninakaw ay mapaparusahan din ng kamatayan.
  • Ang anak na lalaki na mananakit sa kanyang ama ay puputulan ng kamay.
  • Ang taong mananakit ng isang tao na may mas mataas na rango sa lipunan ay mapaparusahan ng 60 paghampas sa harap ng publiko.
  • Ang taong gagawa ng kasamaan sa kanyang kapwa tulad ng pagbulag, pagbungi, pagbali ng buto at mapaparusahan ng parehong kasamaan na kanyang ginawa.

Para sa kababaihan, ito ang ilan sa kanyang mga batas:

  • Ang babae ay maaring ikalakal na parang produkto.
  • Ang babae ay ipinagkakasundo sa isang lalaki kapalit ay pera at dote.
  • Ang babaeing hindi tapat sa kanyang asawa ay kamatayan ang parusa.
  • Kapag ang babae ay mahuli na nakikipagtalik sa ibang lalaki, sila ay parehong itatapon sa dagat hanggang sa malunod.
  • Maaring ibenta ng isang lalaki ang kanyang asawa at mga anak.
  • Ang babae ay mahigpit na pinagbabawalan na makilahok sa pangangalakal.

Sa kabilang banda, ito ang mga pagkakaiba at pagkakapareho ng mga kodigo ni Manu at Hammurabi sa mga kababaihan:

KAIBAHANPAGKAKAPAREHO
– Ang babae ay ibinebenta sa Kodigo ni Hammurabi.
– Ang agwat sa edad ng mag-asawa ay basehan.
– Walang kalayaan ang mga babae sa pagpili ng asawa.
– Walang karapatan ang babae.
– Mababa ang tingin sa babae.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment