Ano ang Kodigo Ni Manu at ang kaibahan nito sa Kodigo Ni Hammurabi?
KODIGO NI MANU – Pag-aralan at alamin ang mga nilalaman ng Kodigo Ni Manu sa kababaihan sa sinaunang lipunan.
Ang babae sa panahon ngayon ay may mga karapatan na tulad sa mga kalalakihan. Ang kayang gawin ng mga lalaki ay kaya na ring gawin ng mga babae. Kung may lalaking inhinyero, may babae rin na inhinyero. At sa isang pamilya, hindi na uso sa modernong panahon na ang ama lamang ang naghahanap-buhay.
At mayroong malaking pagkakaiba ang mga kababaihan noon at sa ngayon. Alamin ang mga ito sa pamamagitan ng Kodigo ni Manu.
Ang kodigo ni manu o ang batas ni Manu ay isa sa mga batas sa Asya na unang naisulat. Ito ay nagawa noong 200 BCE at nakasaad sa kodigong ito kung paano tratuhin ang mga babae at mga nararapat nitong gawin.
Nakasaad dito kung paano tratuhin ang isang babae sa Brahmin na kultura.
At ilan sa mga nilalaman nito at ang mga sumusunod:
- Ang babae na makikipagtalik at makikipagrelasyon sa lalaking mataas ang uri sa lipunan ay mapupunta sa impiyerno.
- Ang dote ay ipagkakaloob sa pamilya ng babae at hindi sa kanya.
- Ang mga ritwal na nakaugnay sa mga kababaihan ay hindi kikilalanin.
- Ang lalaki ay tatlong beses ang tanda sa kanyang asawang babae.
- Ang ama ng babae ay hindi dapat tumutol na ipagkasundo ang kanyang anak dahil ito ay isang kasalanan na ang katumbas ay pagpapalaglag ng sanggol.
- Hindi malaya ang babae. Siya ay pag-aari ng kanyang ama habang bata pa siya, asawa, at mga anak kapag namatay na ang kanyang asawa.
- Ang mga kababaihan ay dapat na sambahin ang kanilang mga asawabilang Diyos.
- Ang mga babae ay dapat na mapang-akit.
Ito ay ilan lamang sa nilalaman at sapat na para sabihin na mababa ang tingin sa mga babae sa kodigong ito. Kung ikukupara sa Kodigo ni Hammurabi, ito ang mga kaibahan at pagkakapareho:
KAIBAHAN | PAGKAKAPAREHO |
– Ang babae ay ibinebenta sa Kodigo ni Hammurabi. – Ang agwat sa edad ng mag-asawa ay basehan. | – Walang kalayaan ang mga babae sa pagpili ng asawa. – Walang karapatan ang babae. – Mababa ang tingin sa babae. |
READ ALSO:
- Degrees of Adjectives & Examples Under Each Degree – A Guide to Learning English
- Ang Ama Buod – Kwento Na Isinulat Ni Mauro R. Avena
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.