BUGTONG HALIMBAWA – Basahin sa ibaba ang mahigit dalawampung (20) mga halimbawa ng mga palaisipan.
Isa sa mga hilig ng mga kabataan ay ang maglaro ng bugtong-bugtong. Ito ay itinatalakay rin sa klase at kadalasan ay takdang-aralin ng mga mag-aaral na sumulat ng mga halimbawa ng palaisipan.
Bugtong Bugtong: 20+ Halimbawa Ng Bugtong O Palaisipan
Mga Bugtong Bugtong – Narito ang 20+ Halimbawa ng Bugtong o Palaisipan
BUGTONG BUGTONG – Narito ang mahigit sa dalawampung (20+) halimbawa ng mga palaisipan.
Isa sa mga usong libangan ng mga bata noon ay ang bugtong. Ito ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan. Ang paglalaro nito ay patalasan ng isip. Itinuturo rin ang mga ito sa klase.
Mahilig ka rin bang maglaro ng mga palaisipan?
Narito ang mahigit sa 20 halimbawa ng bugtong:
1. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
7. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
8. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
10. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
11. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
12. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
13. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
14. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
16. May bintana subalit walang bubungan, may pinto ngunit wala namang hagdanan.
Sagot: Kumpisalan
17. Baboy ko sa Pulo, balahibo’y pako
Sagot: Langka
18. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo
Sagot: Buwan
19. Dalawang batong itim, malayo ang mararating
Sagot: Mata
20. Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan
Sagot: Yoyo
21. Puno ko sa probinsya, puno’t dulo ay may bunga
Sagot: Puno ng Kamyas
22. Isang señorita, nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy
23. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Sagot: Pako