Ano Ang Kahulugan Ng Pagkamakabansa? (Sagot)
PAGKAMAKABANSA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng pagkamakabansa at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Kahit ikaw man ay estudyante, mangagagawa o kaya may pamilya na, ang pagkamakabansa ay ating lahat na magagawa. Kahit sa mga maliliit na paraan, atin itong maipapakita.

Sa Ingles, ang pagiging pagkamakabansa at tinatawag na “Patriotism”. Ang ibig sabihin nito ay ang pagmamahal at ang pagbibigay ng debosyon sa iyong bansa.
Heto ang mga halimbawa ng pagkamakabansa o nasyonalismo sa Pilipinas:
Pagboboto – Isa sa mga pinakamahusay na paraan upang igalang ang mga prinsipyong pinagtayuan ng ating bansa ay ang pagboto. Kung maaari mo, magboluntaryo upang magtrabaho ang mga botohan sa panahon ng isang halalan at maaari mong makita ang aming system ng pamahalaan na kumikilos.
Pagbibigay Puri sa sariling atin – Madaling ma enganyo sa mga produkto ng mga banyaga, ngunit, maraming mga lokal na mga produkto na mas mura at kasing ganda lamang ng gawa ng banyaga.
Pag-aralan ang ating kasaysayan – Mayaman ang Pilipinas sa kasaysayan. Makikita natin ang sakripisyo na ginawa ng ating mga bayani, mga kultura, at tradisyon ng ating mga ninuno at iba pa.
Pag-respeto sa watawat – ang pagsaludo at panunumpa sa katapatan sa watawat ay nagsisilbing isang kasunduan ng katapatan alang-alang sa kalayaan at karapatan ng bansa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pakikipagkapwa Tao Halimbawa At Kahulugan Nito