Ano Ang Mga Elemento Ng Parabula At Halimba? (Sagot)
ELEMENTO NG PARABULA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng elemento ng parabula at ang kahulugan ng mga ito.
Mayroong apat na pangunahing elemento o bahagi ang isang parabula:
TAUHAN, TAGPUAN, BANGHAY, ARAL AT KAISIPAN
TAUHAN – Sila ang mga karakter o ang mga gumaganap sa isang kuwento na galing sa mga kuwento ng banal bibliya. Sila ay nagbibigay ng mga ng magandang aral o leksyon sa mga mambabasa.
TAGPUAN – Ito ang lugar kung saan nangyari ang isang kaganapan sa isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon. Posibleng magkaroon ng maraming tagpuan depende sa kuwento.
Pero, sa isang parabula malimit na nasasabi ang tagpuan ng kwento o may mga pagkakataong hindi na ito nababangit.
BANGHAY – Ito ang pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap sa kuwento.
ARAL AT KAISIPAN – Katulad lamang ng ibang klaseng kwento, ang parabula rin ay may taglay na aral para sa mga mambabasa. Sa isang parabula, gumagamit ng metapora o pagtutulad para mabigyan ng kahulugan ang aral na makukuha.
Bukod dito, amkikita natin sa mga parabula ang mga detalye tungkol sa mga karakter na nasa kwento. Sila’y nag bibigay ng malalim na kahulugan at diin sa mga aral.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pakikilahok At Bolunterismo Sa Mga Kabataan?