Kabanata 58 Noli Me Tangere – “Ang Isinumpa” (BUOD)

Kabanata 58 Noli Me Tangere – “Ang Isinumpa” (BUOD)

KABANATA 58 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 58 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 58 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t walong kabanata.

Ang Kabanata 58 ay may titulo na “Ang Isinumpa” na sa saling Ingles ay “The Accursed”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang mga nabilanggong pamilya ay ilang araw ng tuliro at pagod. Ilang araw rin silang umiiyak dahil sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay. Nagkasakita ang Kura kaya kung gayon ang Alperes ang dumagdag bilang bantay. Samantala ang Kapitan naman ay nawawalan na ng silbi.

Maging ang ina ni Don Filipo ay walang tigil ang pag-iyak habang naglalakad-lakad. Inuusal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Sinisilip naman ni Kapitana Maria ang kanyang kambal na anak.

Napalabas na ang mga bilanggo isang araw. Kasama doon si Ibarra. Ang lahat ay

galit na galit sa kanya. Walang sinuman ang tumawag sa kanyang pangalan.

Ng siya ay lumabas ng walang gapos kasama ang dalawang kawal, umugong ang mga tao na kung sino pa ang may sala siya pa ang walang tali.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 57 – Vae Victis!
Kabanata 59 – Pag-ibig Sa Bayan

Leave a Comment