Kabanata 57 Noli Me Tangere – “Vae Victis!” (BUOD)

Kabanata 57 Noli Me Tangere – “Vae Victis!” (BUOD)

KABANATA 57 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 57 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 57 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t pitong kabanata.

Ang Kabanata 57 ay may titulo na “Vae Victis” na sa saling Ingles ay “Woe to the Vanquished”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Naging mahigpit ang mga sibil sa pakikitungo nila sa San Diego. Hindi nila pinalalampasan at pinaghihigpitan pati na ang mga bata. Nasa kwartel sina Alperes, Direktorsillo, Donya Consolation, at ang Kapitan. Sila ay may bahid ng kalungkutan sa kanilang mga mukha.

Dumating ang kura ng mga ikasiyam at itinanong sa Alperes and tungkol kay Ibarra at Don Filipo. May batang nakasunod sa kanya na umiiyak at duguan.

Iginiit nang tuluyan ng kura si Ibarra sa pagiging dahilan ng paglusob at pagkagulo sa bayan. Sapagkat ang di nila alam ay nagawa lamang ni Ibarra iyon dahil sa nais na ipaghiganti ang kanyang yumaong ama sa pinatay ng mga Sibil.

Nang walang makuha ang Sibil na impormasyon galing kay Tarsilo, itinimba nila ito sa isang balon na na nakabaliktad ang sikmura. Ilang beses rin nilang paulit-ulit na ginawa ito kay Tarsilo, hanggang sa namatay nalang ito.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 56 – Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro
Kabanata 58 – Ang Isinumpa

Leave a Comment