Kabanata 56 Noli Me Tangere – “Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro” (BUOD)

Kabanata 56 Noli Me Tangere – “Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro” (BUOD)

KABANATA 56 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 56 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 56 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t anim na kabanata.

Ang Kabanata 56 ay may titulo na “Ang Mga Sabi At Kuro-Kuro” na sa bersyong Ingles ay “Rumors and Beliefs”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Pagkatapos ang nangyaring gulo. kinabukasan ay ubod na ng takot ang mga tao ng bayan ng San Diego. Ang mga tao ay nagtatago lamang sa kani-kanilang mga tahanan at ni wala kang makita na tao sa mga daan.

Nang may bata na nagbukas ng bintana, sumunod na rin ang mga magkakapitbahay. Napag-usapan nila ang pagsalakay ni Kapitan Pablo. Nasa mga kuwadrilyero rin ang pagdakip kay Ibarra.

May usap-usapan rin na itinangka ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang di matuloy ang pagpapakasal nito kay Linares.

Kaya pinatigil ni Kapitan Tiyago ang pagtatanan ng magkasintahan sa tulong ng Sibil.

Napatunayan rin na totoo ang usap-usapan tungkol sa magkasintahang Ibarra at Maria, kaya sinunog ng mga sibil ang bahay ng binata.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 55 – Ang Pagkakagulo
Kabanata 57 – Vae Victis!

Leave a Comment