Kabanata 34 Noli Me Tangere – “Ang Pananghalian” (BUOD)

Kabanata 34 Noli Me Tangere – “Ang Pananghalian” (BUOD)

KABANATA 34 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 34 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 34 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung apat na kabanata.

Ang Kabanata 34 ay may titulo na “Ang Pananghalian” na sa bersyong Ingles ay “The Dinner”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag ang mga kilalang tao sa bayan. Nakaluklok sa magkabilang dulo sina Ibarra at ang Alkalde. Nasa kaliwa’t kanan ni Ibarra ang Eskribano at si Maria. Ka magkabilang panig naman sina Kapitan Tiago, kapitan ng bayan, mga Prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria.

Kumain sila ng ganado nang makatanggap ng telegrama si Kapitan Tiago sa kanyang bahay.

Hindi nasasabi sa kable kung ilang araw mananatili ang Kapitan Heneral dahil mahilig umanogng ito sa mga bagay-bagay na kataka-taka.

Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain: Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Damaso. Lahat maliban kay Ibarra ang bumati sa kanya. Umiinit na ang usapan noon dahil nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa.

Nahalata ng Alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap niyang ibahhin nito ang usapan pero patuloy pa rin sa pagsasaring ang Pari. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarra ng may kasamang pag-aglahi, sumulak ang dugo ni Ibarra.

Biglang dinaluhong niya si Damaso at saksakin nito sa dibdib ngunit pinigilan siya ni Maria.  Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 33 – Malayang Kaisipan
Kabanata 35 – Ang Usap-Usapan

Leave a Comment