Kabanata 13 El Filibusterismo – “Ang Klase Sa Pisika” (BUOD)

Kabanata 13 El Filibusterismo – “Ang Klase Sa Pisika” (BUOD)

KABANATA 13 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 13 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.

KABANATA 13 EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.

Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabintatlong kabanata.

Ang Kabanata 13 ay may titulo na “Ang Klase Sa Pisika” na sa saling Ingles ay “The Class in Physics”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ng sukat. Ang mga bintana ay malalaki rin na may rehas na bakal. Mayroong upuang kahoy sa magkabilang panig ng kuwarto na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang ma mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.

Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit ang mga ito’y nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.

Ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran ay si Padre Millon. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upangtanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.

Ayan tuloy, siya ay napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 12 – Placido Penitente
Kabanata 14 – Sa Bahay Ng Mga Mag-aaral

Leave a Comment