Kabanata 12 El Filibusterismo – “Placido Penitente” (BUOD)
KABANATA 12 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 12 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabindalawang kabanata.
Ang Kabanata 12 ay may titulo na “Placido Penitente” na walang saling Ingles. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Si Placido Penitente ay isang mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo pero malungkot siya at nais niyang tumigil sa pag-aaral.
Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalan niya ang natitirang taon sa unibersidad. Ang ideyang pagtigil sa pag-aaral na inisip ni Penitente ay dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.
Nagulat si Penitente isang araw nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.
Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.
Tinanong din ni Penitente si Paelez ukol sa kanilang leksyon dahil noong araw laman na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 11 – Los Baños
Kabanata 13 – Ang Klase Sa Pisika