Buod Ng Darangan – Ang Buod Ng Epikong Maranao
BUOD NG DARANGAN – Sa paksang ito, ating tutuklasin at babasahin ang buod ng Darangan na isang epikong Maranao.
Ayon sa KapitBisig, ang Darangan ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan nasa Magindanaw (Maguindanao). Nagsasalaysay ito ng mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim.
Narito ang buod nito:
Sa isang malayong kaharian sa Mindanao, may isang hari na may dalawang anak na lalaki na sina Prinsipe Madali at Prinsipe Bantugan. Si Bantugan ay nagpapakita ng katangiang magaganda sa murang edad na higit pa sa kay Madali. Napakatalino, mabilis magtuto ng mga sandata at malakas si Bantugan.
Unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo si Bantugan ay nang makita siya nang mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-bayan, na hindi makapaniwala sa kanilang nakita.
“Napakalakas niya!”
“Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng mga diyos!”
“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!”
Sa kabinataan ni Prinsipe Bantugan ay naging pinakamagaling na sundalo siya sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan at lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Naging bukambibig ang kaniyang pangalan ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian.
Hindi nagtagal ay wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.
Pagkamatay ng kanilang amang hari ay hinirang hari si Madali. Nagkaroon ng mga protesta ang mga nasa ranggo sapagkat nais nila na maging bagong hari si Bantugan.
“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga kaaway!”
“Sang-ayon ako sa iyo,”
Subalit hindi ito pinansin sapagkat nalaman niyang karapatdapat na tagapagmana ng trono Madali na panganay sa kanilang dalawa.
“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno”
“Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!”
Tumango na lamang ang mga ministro at kawal. Ngunit isang araw, nagkaroon ng isang bitak sa pagitan ng dalawang magkapatid. Hindi lamang matapang at malakas si Bantugan, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Dahil sa inggit, nagpahayag si Madali:
“Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya ay parurusahan ng malubha.”
Nalulungkot si Bantugan sa utos ng kanyang kapatid. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga minamahal niya.Walang gustong kumausap sa kanya sa takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya nanirahan habambuhay.
BASAHIN DIN: Buod Ng Rama At Sita – Buod Ng Isang Epikong Hindu