Pagtalakay Sa 8 Elemento ng Maikling Kwento & Mga Kahulugan Nila
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO – Narito ang walong(8) elemento at ang kahulugan ng bawat isa.
Mula pre-school hanggang kolehiyo, marami tayong natututunan sa ilalim ng asignaturang Filipino. Ang kahirapan ng mga topiko ay naaayon sa baitang ng mga mag-aaral.
Pagdating sa mga topiko sa elementarya, isa rito ay ang maikling kwento. Ito ay anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong kwento na kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang.
Ang maikling kwento ay kadalasang sinusulat upang madulot aliw sa mga mambabasa at magturo ng mga aral sa buhay.
Mayroong walong(8) elemento ng maikling kwento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at paksang diwa.
Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang walong(8) elemento ng maikling kwento at kanilang mga kahulugan.
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:
- Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
- Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
- Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
- Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
- Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.
BASAHIN RIN: ANO ANG ALAMAT – Kahulugan Ng Alamat & Halimbawa Nito