Pagtalakay Sa 5 Uri ng Panghalip At Kanilang Mga Halimbawa
URI NG PANGHALIP – Narito ang isang pagtalakay sa limang(5) uri ng panghalip pati na rin ang mga halimbawa ng bawat isa.
Isa sa mga aralin na itinatalakay sa elementarya ay ang mga bahagi ng pananalita. Ito ay sa ilalim ng asignaturang Filipino. Mayroon tayong walong(8) bahagi ng pananalita.
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang panghalip o sa Ingles ay pronoun. Ito ay ginagamit panghalili or pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Mayroong limang(5) uri ng panghalip at ito ang ating tatalakayin sa artikulong ito.

Ang limang(5) uri ng panghalip ay panghalip na panao, pamatlig, pananong, panaklaw, at pamanggit.
Panghalip na Panao
Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao. Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun.
Mga Halimbawa:
- Ako
- Ikaw
- Tayo
- Sila
- Kami
Si Lorenzo at Fidel ay papunta sa parke.
Sila ay papunta sa parke
Ang magsasaka na ang bahala diyan.
Siya na ang bahala diyan.
Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit panturo. Sa asignaturang Ingles, ito ay itinatawag na demonstrative pronoun.
Mga Halimbawa:
- Ito
- Iyan
- Ganito
- Iyon
- Doon
Kunin mo ang pitaka (nasa ibabaw ng mesa).
Kunin mo iyan.
Tupiin mo bago mo ipasok sa kabinet.
Ganito ang gawin mo bago mo ipasok sa kabinet.
Panghalip na Pananong
Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, pangyayari, bagay, etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles.
Mga Halimbawa:
- Sino
- Alin
- Kanino
- Anu-ano
- Sinu-sino
Kanino mo ibibigay ang pera?
Sinu-sino ang pupunta mamaya?
Panghalip na Panaklaw
Ang panghalip na panaklaw ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.
Mga Halimbawa:
- Lahat
- Alinman
- Sinuman
- Ni-isa
- Madla
Lahat ay manonood ng sine bukas.
Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.
Panghalip na Pamanggit
Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.
Mga Halimbawa:
- na
- ng
Ang babae na nanalo ay sa barangay namin nakatira.
Ang paa ng kalabaw ay malalaki.
Its very helpful☺☺☺☺☺
*thanks*
thank you para dito nakakatulong sa akin
its not helpful i cannot find the pang-uri pangyayari halimbawa i wish this app wasn’t here
Thanks.. i found it exactly and very helpful.
its not helpful i cannot find the pang-uri pangyayari halimbawa i wish this app wasn’t here