Ano ang Pang-abay at ang mga halimbawa nito?
PANG-ABAY – Narito ang kahulugan kung ano ang pang-abay at ang mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito.
Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa isang pangungusap maliban sa pang-uri at pandiwa ay ang pang-abay. Simula elementarya ay atin itong pinag-aaralan sa paaralan.
Ano ang pang-abay?
Ito ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at sa kapwa nito pang-abay.
Mga Halimbawa:
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na itinatalakay sa artikulong ito at tig-iisang halimbawa ng gamit nila sa pangungusap.
Kanina
Pangungusap: Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin sila.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan nito ang pandiwa ng pangungusap na “umalis”.
Mahigpit
Pangungusap: Mahigpit ang pagkahawak ni Mang Tonyo sa pitaka niya kaya hindi ito nakuha ng tambay sa tyangge.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan dito ang pandiwa ng pangungusap na siyang “pagkakahawak” ng simuno na si Mang Tonyo sa pitaka niya.
Hindi
Pangungusap: Hindi pwedeng umalis kayo ng maaga marami pa tayong ililigpit.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay nagsasaad ng pagtanggi na siyang nagbibigay paglalarawan sa kabuuan ng pangungusap.
Dahan-dahan
Pangungusap: Nang malaman niyang tulog na si Mang Juan, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at tumakas.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan dito ng bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ang pandiwa. Ang pandiwa sa pangungusap ay “binuksan”.
Bukas
Pangungusap: Bukas kukunin ni Stephany ang pera mula kay Tiyang Rosa.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay nagbibigay larawan sa panahon kung kailan kukunin isasagawa ang pandiwa o ang pagkuha ng pera.
Talaga
Pangungusap: Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling Pilar.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay nagsasaad pangsang-ayon.
Taun-taon
Pangungusap: Taun-taon ay umuuwi si Derrick sa pamilya niya sa Pilipinas upang makapiling sila sa Pasko.
Pagpapaliwanag: Ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay sa artikulo na ito ay nagsasaad paglalarawan sa panahon ng pagsasagawa ng pandiwa na “umuuwi”.
Marami akong natutunan salamat sa sagot
Natutuwa rin ako