Philippine News

Social Icons

Date Published:

9:20 AM December 19, 2018

Date Updated:

9:20 AM December 19, 2018

in: Educational
Share to Facebook Share to Twitter More...

Apat(4) na Kayarian ng Pang-uri at mga Halimbawa

PANG-URI – Narito ang apat(4) na kayarian ng pang-uri at ang kanilang mga halimbawa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na itinatalakay sa asignaturang Filipino ay ang Pang-uri. Ito ay tumutukoy sa mga salita na nagbibigay turing sa pangngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, kilos, at oras.

Ang bahagi ng pananalita na ito ay may kaantasan at mayroon rin kayarian. May tatlong(3) antas ng pang-uri at may apat(4) itong kayarian.

BASAHIN RIN: Tatlong (3) Antas Ng Pang-Uri At Mga Halimbawa

Sa artikulong ito ay tatalakayin natin ang apat(4) na antas o kaantasan ng pang-uri – ang payak, maylapi, inuulit, at tambalan. Bawat isa sa kanila ay may pinagkaiba kaya hindi ito mahirap tukuyin.

Pang-uri Kayarian ng Pang-uri

Payak – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng salitang-ugat lamang ayon sa Wikipedia. Ilan sa mga halimbawa nito ay bilog, hinog, at pandak.

Halimbawa:
1. Bilog ang buwan noong gabing biglang nawala si Monica.
2. Si Vince ay hindi kumakain ng hinog na mangga.
3. Pandak si Cheska pero ubod ng ganda kaya hindi imposibleng mapapansin talaga siya ni Troy.

Maylapi – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng mga salitang-ugat na dinudugtungan ng mga panlaping ma-, ka-, kasing-, sim-, at marami pang iba. Halimbawa ng mga ito ay matapang, simbilis, at malakas.

Halimbawa:
1. Tinuloy pa rin ni Dante ang panghaharana sa kabila ng takot niya sa matapang na ama ni Consuelo.
2. Simbilis ng pagtakbo ng daga ang pagkalat ng balita tungkol sa pagdadalantao ni Jasmine.
3. Malakas ang ulan kahapon kaya hindi na dumalo si Christopher sa handaan sa bahay ng tiya niya.

Inuulit – ang kayarian na ito ay matutukoy dahil inuulit nito ang buo o bahagi ng salita katulad ng pulang-pula, araw-araw, at puting-puti ayon sa Wikipedia.

Halimbawa:
1. Pulang-pula ang damit ng mga mang-aawit sa entablado.
2. Araw-araw siyang hinahatid ni Cardo sa trabaho niya.
3. Pagkatapos labhan ng dalawang magkasunod na beses, puting-puti na ang damit na susuotin ni Santi sa kasal.

Tambalan – ang kayarian na ito ay matutukoy sa pagkakaroon nito ng dalawang salitang pinagtambal katulad ng ngiting-aso, kapit-tuko, at ningas-kugon.

Halimbawa:
1. Ngiting aso ang nakita ni Mario kay Tonyo kaya hindi agad siya nagtiwala rito.
2. Parang kapit-tuko ang hawak niya sa nobya niya sa tuwing namamasyal sila sa mga lugar na may maraming tao.
3. Ningas-kugon si Leofer kaya hindi umunlad ang tindahan na ipinatayo niya.

Share to Facebook Share to Twitter More...
{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.