Share to Facebook Share to Twitter More...

Kilalanin Kung Ano Ang Pandiwa at ang mga Halimbawa ng Pandiwa

PANDIWA – Narito ang sagot sa tanong na, “Ano ang Pandiwa?” at ang mga halimbawa ng pandiwa.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na itinuturo sa elementarya at sa sekondarya ay ang pandiwa. Hindi maikakaila na isa ito sa pinakamadaling matukoy sa isang pangungusap.

Ano ang pandiwa?

Ito ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay takbo, alis, uminom, kumain, umiyak, at binigyan.

Pandiwa

Halimbawa ng Pandiwa at Pangungusap Gamit ito:

Narito ang ilang pangungusap na gumagamit ng bahagi ng pananalita na ating tinatalakay sa artikulong ito. Nawa’y makatulog ito sa inyo lalong-lalo na sa mga mag-aaral.

1. Nilakbay nina Haring Adan at Haring Perculo ang bundok ng San Juan sa paghahanap sa nawawalang reyna.

2. Hindi man lang nagpaalam si Jerry kay Jona noong umalis siya papuntang Macau.

3. Inutusan ng nanay si Andres na pumunta kay Aling Nena at bumili ng yelo.

4. Sina Dominic at Nicolai ang kumain ng mga natirang pagkain mula sa handaan sa nayon.

5. Walong taong hinintay ni Avery ang pagkakataon na makitang muli ang nawawalang ama.

6. Umalis si Stanley hindi para sa sarili niya kung hindi ay para sa kinabukasan ng asawa niya at ng apat nilang anak.

7. Umamin na si Jefferson na siya ang kumuha ng pera na nakatago sa aparador ni Kiko.

8. Nabalitaan ni Tony na nakauwi na mula ibang bansa ang matalik niyang kaibigan na si Marcus kaya agad-agad siyang pumunta sa bahay nito.

9. Hindi alam ni Savey ang gagawin kaya nagbihis siya at nagsimulang lumakad patungo sa bahay ng kaklase niyang si Jim.

10. Binalik ni Cynthia ang bigay ni Joel dahil hindi raw niya ito kakailanganin kahit kailan.

11. Apat na lalake raw ang kumuha sa dalagitang nawawala sa bukid ng Tinayawan.

12. Pumatak ang tubig mula sa bubong kaya nabasa ang sanggol na natutulog sa higaan.

13. Binigyan siya ng kanyang manliligaw ng isang kotse pambabae.

14, Agad niyang kinuha ang bata mula sa matandang babae.

15. Ipinasok ni Justin sa garapon ang natitirang tsokolate na bigay ni Erica sa kanya.

Iba pang bahagi ng pananalita:

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "PANDIWA: Ano Ang Pandiwa, Mga Halimbawa Ng Pandiwa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.